Vice Ganda reveals Sharon Cuneta's big role in his success

IMAGE Instagram (@praybeytbenjamin) / Noel Orsal

Vice Ganda took the opportunity to sincerely and genuinely thank Sharon Cuneta for noticing him earlier on even before he reached stardom. 


Isiniwalat ni Vice Ganda ang malaking papel ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang kasikatan.

Sinabi ito ni Vice nang mag-guest si Sharon sa episode ng Gandang Gabi Vice noong Linggo, June 11.

Simula ng phenomenal box-office star, “Masaya ako because I have the chance now to personally say thank you sincerely and genuinely.”

Patuloy niya, “Malaki ang utang na loob ko kay Megastar dahil kung ano’ng mga tinatamasa ko ngayon, e, produkto ito ng mga itinulong mo sa akin nung nagsisimula ako.

“Nung wala pang masyadong pumapansin sa ‘kin, nung mga iilan-ilang pa lang, isa si Sharon Cuneta sa mga iilan-ilan na unang pumansin agad sa akin at naka-appreciate.

“Hindi ko po yun nakakalimutan.

“Akala ko dati yun ang peak ng career ko, nung nag-guest ako sa Sharon Cuneta [Show].”

Pagkatapos nito ay inalala ni Vice ang paggi-guest niya noon sa musical-talk show ng Megastar sa ABS-CBN, ang Sharon.  


(Vice Ganda as co-host of Sharon Cuneta in the musical talk show Sharon)

Saad niya, “Ang sarap sa feeling, kasi dati, pangkaraniwang tao ang pinapasaya namin nina [Wacky] Kiray, Negi.

"Tapos nung dumating ka, parang ang laking pangarap ko nun, si Sharon Cuneta napapatawa ko, at saka katabi ko siya.

“Tapos gusto niya andun ako sa tabi niya at pinapatawa niya ako, at isa pa sa ipinagmamalaki ko na kinuwento talaga sa nanay ko ‘to.

"Pasko, pinadalhan niya ako ng regalo, yung macaroons, di ba? Pangkaraniwang tao ka, padadalhan ka ng regalo ni Sharon Cuneta.

“Kaya maraming-maraming salamat at, uulitin ko, di ko yun makakalimutan.”  


(Vice Ganda recalled how Sharon Cuneta would insist that they sit beside each other and how she would laugh at his jokes.)

SHARON ON VICE. Sa kabilang banda, sinabi naman ni Sharon na noong nagsisimula pa lamang ang pagsikat si Vice ay may komunikasyon na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng Megastar, “Nami-miss ko siya. Ka-text ko siya.

"After Petrang Kabayo pa lang, di ba, yung sabi ko, ‘You really deserve this, Vice, I’m so happy for you.’

"Mula noon, naging textmates kami."

Mensahe pa ni Sharon kay Vice, “Ang dami mong napapasayang tao, ang layo na ng narating mo.

“Alam mo, hindi lahat binibigyan ng biyayang ganyan, kaya yung estado mo, lagi mong tatandaan, you have a very important position cause you have a big responsibility.

“Gamitin mo, para yung LGBT [Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender] community rin, respetuhin pa lalo at lalong mataas ang tingin.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN