Baron Geisler reveals burglary incident at his Pampanga house

IMAGE Facebook (Baron Geisler)

Baron Geisler on burglary incident at his Pampanga home: "May mga bagay na nakuha sa bahay ko na may sentimental value pero nagpapasalamat parin ako sa Diyos na wala ako dun ng mga panahon na yun," said the 35-year-old actor in his Facebook post last June 9. 


Ibinalita ni Baron Geisler na pinasok ng magnanakaw ang kanyang bahay sa Pampanga noong nakaraang linggo.

Sa kanyang Facebook post noong Hunyo 9, sinabi ni Baron na dalawang araw niyang iniwang walang tao ang kanyang bahay nang mangyari ang insidente.

Kalakip nito ang larawaan kung saan makikitang sinira at sapilitang nabuksan ang pinto ng kanyang bahay.

“Dalawang araw ako nagpigil na hindi ipost ito pero medyo mahirap na rin na hindi.

“Napasok ang bahay ko sa Pampanga habang wala ako dun at nasa Manila ako para magpunta sa meeting.

“May mga bagay na nakuha sa bahay ko na may sentimental value pero nagpapasalamat parin ako sa Diyos na wala ako dun ng mga panahon na yun.

“Ang gamit ay gamit lang, pero ang buhay ay buhay.”

Hindi binanggit ng 35-year-old actor kung anong partikular na gamit ang natangay ng magnanakaw.

Ngunit naipaalam na raw niya sa pulisya ang insidente. 

Patuloy na lahad ni Baron, “Sa kung sinoman ang nanloob sa bahay ko, pinapatawad ko na kayo dahil mukang masnangangailangan kayo.

“Sa mga kapatid ko, sa mga kapitbahay, at mga pulis, maraming salamat din sa pagasikaso at pagtulong sa pagaayos sa mga ginulo ng mga nanloob sa bahay ko.

“Pinagdarasal ko na sana hindi na maulit itong pangyayaring ito sa akin at sa kahit sinoman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN