That's My Bae Joel Palencia's alleged kissing photo with a guy goes viral

IMAGE Noel Orsal

Pinag-uusapan ngayon sa internet ang diumano'y kissing photo ng That's My Bae member na si Joel Palencia kasama ang isang lalaki.


Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan diumano ng That’s My Bae member na si Joel Palencia habang nakikipaghalikan sa isang kapwa-lalaki.

Ang That's My Bae ay isang all-male group na nabuo sa dating dance contest ng Eat Bulaga.

Si Joel at iba pang miyembro ng That's My Bae ang mga bida sa top-rating morning drama series ng GMA Network na Trops.

Ayon sa ilang posts sa Twitter at Instagram, ang mga umiikot na mga larawan ay kuha noong sumasali pa lamang si Joel sa male beauty pageants at hindi pa sikat.

Kinilala ng ilang netizens ang kasamang lalaki ng That's My Bae member bilang si Jhay Layam.

Kasamahan daw ito ni Joel sa pagsali sa mga contest at pareho raw silang tiga-Antipolo.

Sabi pa sa posts, may relasyon daw ang dalawa.

May parte talaga ng ating nakaraan ang mahirap takasan! Totoo ba ito?

A post shared by Trending Stars PH (@trendingstarsph) on

 

Kasunod nito, kumalat din ang screenshots ng diumano’y usapan sa pagitan nina Joel at Jhay sa Facebook messenger.

Base sa palitan ng mensahe, nagkaroon ng relasyon ang dalawa ngunit naghiwalay na raw sila pero nanatiling magkaibigan.

“LET THEM BE.” Ngunit sa gitna ng pagkalat ng mga larawang ito, tila ipinagkikibit-balikat lamang ito nina Joel at Jhay.

Sa kanyang Twitter, Instagram, at Facebook accounts, isang makahulugang mensahe ang iniwan ng That's My Bae member: “Let them be” 

Let them be ????

A post shared by Official Account (@thatsmybae_joel) on

Mensahe naman ni Jhay sa kanyang Facebook post ngayong Martes, June 13: “Goodmorning! Goodvibes lang tayo!”

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Joel at Jhay, sa pamamagitan ng kanilang social media accounts, upang kunin ang panig nila sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN