Rayver Cruz admits to courting Janine Gutierrez

IMAGE Rommel Gonzales

Kapamilya actor Rayver Cruz has admitted that he is courting Kapuso actress Janine Gutierrez. The two were spotted watching the Hollywood film Wonder Woman last week.


Spotted sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na magkasamang nanood ng pelikulang Wonder Woman sa Power Plant Mall last week.

Tatahi-tahimik ang dalawa at walang mga post sa social media, pero mukhang madalas silang magkita lately. 

Nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa recent sightings kina Janine at Rayver dahil sa JanVer fanatics—tawag sa kanilang avid supporters—na madalas kaming pinapadalhan ng updates tungkol sa dalawa.

Sa kanila rin namin unang nalaman na last Saturday night, June 10, ay kasama ni Janine si Rayver sa family event ng lolo nitong si Christopher ‘Boyet’ de Leon.

Magkasama ang JanVer sa South Grill, ang bar-resto na pag-aari ng ina ni Janine na si Lotlot de Leon sa Aguirre St. sa Parañaque, dahil doon ginanap ang birthday party ng sister ni Boyet na si Toni Abad.

Present sa party ang pamilya ni Boyet, including his wife Sandy Andolong and beauty-queen daughter Mariel de Leon, Bb. Pilipinas-International 2017, na kasama ang boyfriend nitong si Eric Luz.

Dumating din sa party ang mga kapatid ni Lotlot na sina Ian de Leon at Kiko de Leon, na naki-jamming pa sa acoustic singer ng South Grill.

Dahil sa tip ng very resourceful na JanVer fans ay nakita namin sa Instagram Stories ng wife ni Ian na si Jennifer Orcine na magkasama nga sina Janine at Rayver that night, at masaya pa silang kumaway sa kamera sa ipinost na video ni Jen.

MEETING JANINE’S FAMILY. Naka-chat ng PEP si Rayver via direct messaging sa Instagram, at kinumpirma niya sa amin ang movie date nila ni Janine sa Rockwell.

“Kahit busy siya, nakakasingit naman ako,” sabi ng Kapamilya actor.

“Ang ganda ng movie!” dugtong pa niya, na ang tinutukoy ay ang Hollywood blockbuster na pinagbibidahan ni Gal Gadot.

Bakit wala silang pinu-post na pics nila ni Janine sa social media kapag lumalabas sila? Ninja moves lang ang peg, ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 27-anyos na binata, “Hahaha! Hindi naman kasi kailangang mag-post. At saka nakikita rin naman kami ng mga tao.”

Kinantiyawan namin si Rayver na tila unti-unti na siyang ipinakikilala ni Janine sa pamilya nito, gaya nung ma-meet niya ang mga De Leon doon sa birthday party sa South Grill.

Natawa na naman ang hunky ASAP mainstay at ang sabi, “Oo nga, ang dami nila dun that night.”

Ano ang sinabi sa kanya ng Lolo Boyet ni Janine?

“Wala naman. Bumati lang ako.

“Kilala ko naman sila noon pa, e. Bestie ni Tito Pip yun, e!” pagtukoy ni Rayver sa kanyang tiyuhin na si Tirso Cruz III.

“At saka lagi kaming nagkikita sa sinehan pag nanonood kami nina Djanin. Hahaha!”

Si Djanin Cruz ay pinsan ni Rayver at anak ni Tirso.

Bukod doon ay nagawa na ring maki-bonding ni Rayver sa co-stars ni Janine sa Kapuso afternoon soap nitong Legally Blind.

Nang lumabas ang mga ito last week ay sumama si Ray sa imbitasyon ni Janine.

May nakita kaming group pic nila na galing sa pinost na IG Story ng kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Kasama ng JanVer sa gimikan sina Rodjun, Mikael Daez, Lauren Young, at Ashley Rivera.


“Sumunod lang ako nun sa kanila. Sa Makati yun. Lumabas sila. Nakigulo lang ako,” pakli ni Rayver.

So, nag-meet na pala sila finally ng leading man ni Janine sa Legally Blind na si Mikael?

Gusto kasi talaga siyang makilala ni Mikael at madalas pa itong makisali sa tuksuhan kapag napag-uusapan si Rayver sa set ng Legally Blind.

“Yes. Ang bait nilang lahat. Masaya ang grupo nila,” sagot ng binatang taga-ABS-CBN.

REAL SCORE. Sila na ba ni Janine?

“Hahaha! Hindi pa. Ligaw-ligaw pa lang. Labas-labas,” sagot ni Rayver.

Talaga ba? Yung totoo?

“Oo. Ganun muna. Huwag madaliin. Let’s trust the process. Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aamin ba naman siya pag naging sila na?

“Oo, ‘no! Ikaw agad ang makakaalam kung sinagot ako o hindi! Hahaha!” dayalog sa amin ni Rayver, na obviously ay very happy sa closeness nila ngayon ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN