Shy Carlos admits facing a crossroads in her showbiz career

IMAGE Jojo Gabinete

Shy Carlos on her showbiz career: "Palagi akong sinasabihan ng dad ko na kailangan ko na maging aggressive. E, hindi ako ganoon. Parang gusto ko, ibigay lang sa akin kung ano ang deserve ko… kung anong tingin nila sa akin. Ayoko yung gusto ko ito, tapos hindi naman pala ako ready."


Pitong buwan na nagpahinga sa showbiz si Shy Carlos dahil inisip nitong mabuti ang mga nangyayari sa acting career niya.

Inamin ni Shy na medyo naapektuhan siya nang hindi magtagal sa ere ang Tasya Fantasya, ang comedy-fantasy series ng TV5 na pinagbidahan niya noong 2016.

Saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-decide ako na mag-isip-isip muna kung ano ang gusto kong gawin sa buhay, pero gustung-gusto ko na umarte.

“Palagi akong sinasabihan ng dad ko na kailangan ko na maging aggressive. E, hindi ako ganoon.

“Parang gusto ko, ibigay lang sa akin kung ano ang deserve ko… kung anong tingin nila sa akin.

“Ayoko yung gusto ko ito, tapos hindi naman pala ako ready.”

THE COMEBACK. Ngayon ay nagbabalik si Shy sa pamamagitan ng horror film na Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz.

Kuwento niya, “Around September nang i-offer sa akin ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz.

“Parati lang namu-move ang pag-start ng shooting."

Muntik na nga raw niyang hindi tanggapin ang pelikula, pero nagbago ang kanyang desisyon.

Saad ni Shy, “Nagdalawang-isip ako na tanggapin ang project.

“Nung una, parang ayoko nang gumawa ng horror movie. Ang hirap talaga.

“Pero after several days, naisip ko, parang masaya.

“Parang fun siya kasi ako ang mananakot.

“Sa Chain Mail, ako ang tinatakot.”

Flattered naman si Shy sa pagkukumpara sa kanya sa Cannes-winning actress na si Jaclyn Jose dahil pareho raw silang “sensitive actress.”

Tuwang-tuwa nga si Shy nang malaman nitong puring-puri ng direktor na si Katski Flores ang performance niya sa Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz, na joint venture ng Viva Films at ng Kamikaze Pictures nina Erik Matti at Dondon Monteverde.

Sabi pa niya, “Yun ang gusto ko, makilala na aktres.”

Nangako rin si Shy na magko-concentrate siya ngayon sa kanyang acting career, kaya huminto muna siya ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinunod ni Shy ang payo sa kanyang samantalahin ang pagkakataon at tanggapin ang mga oportunidad sa showbiz na natatanggap.

Kahit anong oras kasi ay puwede niyang balikan ang Consul and Diplomatic Affairs course sa College of St. Benilde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN