Jovit Baldivino reacts to being accused a cheat by ex-girlfriend

IMAGE Facebook Fan Page of Jovit Baldivino

"God bless everyone, stay calm, alam ng Diyos lahat ang nangyayari," says Jovit Baldivino following report about him allegedy caught cheating by his girlfriend.


Nagbigay ng reaksiyon ang singer na si Jovit Baldivino tungkol sa balitang pagkakahuli sa kanya ng girlfriend habang may kasama siya umanong ibang babae.

Ipinagpapasa-Diyos na lamang daw ni Jovit ang kasalukuyang mga pangyayari sa kanya at sa dating girlfriend na si Shara Chavez.

Aniya sa kanyang verified Facebook Fan Page kahapon, June 13, “Godbless everyone, stay calm, alam ng diyos lahat ang nangyayari, sya lang talaga lahat ang nakakaalam, tatanggapin ko lahat ng sasabhin nyo!!!

“Pero ang DIYOS lang ang nakakaalam ng lahat lahat!!!!!”

Sa comment section, isang netizen ang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya at inakusahan ang 23-year-old singer na “babaero.”

“Nakakagalit ang mga katulad mo,” sabi pa ng netizen.

Sinagot naman ito ng administrator ng fan page ni Jovit: “Babaero Agad Kuya.Salamat po kuya ha kc nanghusga ka agad..ok lang po un kuya..ikaw na po ng hinde Babaero.. Admin.. Good Bless po kuya.”


Noong Lunes, June 12, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ng dating girlfriend ni Jovit tungkol sa viral photos na nagpapakitang may ibang kasamang babae ang singer.

Inamin ni Shara sa PEP na dahil sa nangyari, naghiwalay sila ng first grand winner ng Pilipinas Got Talent.

Aniya, “Sa kanya na nanggaling na hindi na daw kami magkakabalikan.

“Never siya nag-sorry for what happened and he never admitted na nagkamali po siya.”


Stories We Are Tracking

Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Shara Chavez: The 'fan turned gf now ex' of Jovit Baldivino
Shara Chavez: The 'fan turned gf now ex' of Jovit Baldivino

Samantala, sa kanyang Facebook account, nanindigan si Shara sa kanyang mga naunang pahayag tungkol kay Jovit.

“Sa lahat ng nakabasa and sumabaybay sa love story namin, meron na pong closure,” aniya.

Muli rin siyang humingi ng paumanhin sa pagpu-post ng mga larawan ni Jovit kasama ang ibang babae.

May isang anak sina Jovit at Shara na mag-iisang taon pa lamang sa susunod na buwan.

Bago ito, nagkaroon din ng anak si Jovit sa dati niyang girlfriend na si Laurice Khaye Bermillo, dating contestant sa singing talent search show na Star Power.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN