How did Richard Gomez react to daughter Juliana's prom date?

IMAGE Noel Orsal / Richard Gomez Instagram

Richard Gomez on possibility of daughter Juliana joining showbiz: "Inevitable yun, e, na one of these days talagang mangyayari yun, e. Talagang may aakyat ng ligaw at mangyayari yun. Saka alam mo naman si Juliana, hindi sa pagyayabang, talagang may hitsura, e."


Aminado si Richard Gomez na nakaramdam siya ng kaba nang dumalo sa prom night ang nag-iisang anak na si Juliana Gomez, lalo nang sinundo ito ng childhood friend niyang si Santi Belmonte.

May tiwala naman daw sila ng misis niyang si Lucy Torres-Gomez sa ka-date ni Juliana nung gabing yun, pero hindi raw niya maiwasang kabahan at pawisan.

Pinuna rin daw ni Richard ang mataas na slit ng gown na suot ng kanyang 16-anyos na unica hija.

Santi and Juliana have been classmates since pre-school and all the way till they graduated from elementary. They've been in countless schools plays together --- danced, sang, played the marimba, wore all sorts of DIY costumes every elementary student is subjected to as a rite of passage(????), had play dates in homes of classmates and our home. Time passed. They went to different schools. But last night they got together again but this time, to go to his prom. I remember them both not much taller than a chair, but there they were in our living room --- he in a smart suit, flowers in his hand, and my little girl in my heels and a gown. With a slit. Tell me, where did the time go????? @richardgomezinstagram @vivatregina P.S. The kiddie photos are from Millette, Santi's mom (I know, we are stage mothers????) and for those who may wonder, Juliana has a band-aid on her knee because she skinned it while training for volleyball).????

A post shared by @lucytgomez on

“Medyo nagpapawis, e!” natatawang sabi ng mayor ng Ormoc City sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, “Siyempre dalaga na yung anak mo, di ba?

“Buti na lang medyo mabait naman yung ka-date niya.

“Alam mo naman, nung bata-bata ako, medyo pilyo ako pagdating sa mga ganyan, e.

“Kaya nga sinasabi ko kay Juliana, ‘Juliana, nung edad mong ‘yan, talagang yung mga dini-date ko, talagang hindi ako umuuwi kung hindi ko nakahalikan yung ka-date ko, e.’ Tawa lang siya sa akin, e.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Pagkatapos ng prom mo, uwi ka agad, ha?’”

FUTURE SUITORS. Tanggap na rin daw nilang mag-asawa ang katotohanang isa sa mga araw na ito ay may manliligaw na sa kanilang anak.

“Inevitable yun, e, na one of these days talagang mangyayari yun, e. Talagang may aakyat ng ligaw at mangyayari yun.

“Saka alam mo naman si Juliana, hindi sa pagyayabang, talagang may hitsura, e,” nakangiting pahayag ng 51-year-old actor-politician.

Tinanong ng PEP si Richard kung okay lang ba sa kanila ni Lucy sakaling gusto na ring pasukin ni Juliana ang pag-aartista.

Tugon niya, “Sabi ko sa kanya, ‘Kung ano yung gusto mong gawin ay susuportahan kita. Kung in case one day maisipan mo pumasok sa showbiz, it’s up to you.’

“I will be here to guide her.

“Kung ano yung gusto niya, support system lang kami ni Lucy. Pero mahiyain, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mukhang okay naman sa kanya, kaya lang nahihiya, lalo na pag maraming tao na sa harap niya.”


Stories We Are Tracking

The night Richard and Lucy Gomez became 'stage parents'
The night Richard and Lucy Gomez became 'stage parents'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN