Sen. Cynthia Villar gets flak from netizens for unli-rice ban proposal

IMAGE Screen grab from GMA Network

Senator Cynthia Villar on her proposal to ban unli-rice promo in restaurants: "Iyong sinasabi nilang unlimited rice, hindi maganda iyon sa diet natin."


“Maawa po kayo sa amin.”

Ito ang apela ng marami sa ating mga kababayan na hindi matanggap ang panukala ni Senator Cynthia Villar na dapat ipagbawal ang “unlimited o unli rice” sa mga restaurant dahil masama raw sa kalusugan ang pagkain ng sobrang kanin.

Si Villar ang chairperson ng Senate committee on agriculture and food.

Sa committee hearing kahapon, June 14, sinabi niya ang kanyang panukala na i-ban ang unli rice.

Pahayag ng senadora, “You know, the findings in other countries, mas better ang diet nila.

“Hindi masyadong maraming rice, may vegetable.

“If you really ask doctors, that’s a better diet.

“So, dapat i-train na rin nating mga Filipinos not to eat too much rice kasi nagiging diabetic.

“And, you know, it’s expensive to cure diabetes.

“Parang sinasabi sa ibang bansa kaya hindi sila nagiging self-sufficient, because they have a better diet.

“So, makakatulong iyon.

“Iyong sinasabi nilang unlimited rice, hindi maganda iyon sa diet natin."

NETIZENS REACT. Umani ng batikos ang panukalang ito kaya nag-trending topic si Senator Villar.

Ang ibang netizens ay gumawa pa ng memes upang ipakita ang kanilang pagtutuol sa panukala ng senadora.

VILLAR NOT FILING BILL. Ngayong araw, June 15, nilinaw ni Villar na hindi siya magpa-file ng panukala na ipagbawal ang unli-rice sa mga restaurant.

Inihayag lamang daw niya ang kanyang opinyon sa labis na pagkain ng mga Pinoy ng kanin.

Pahayag ng senadora sa isang statement na inilabas niya sa media: "I am not planning to make a law banning 'unli rice,' not at all.

"I just voiced out my concern that eating too much rice is one of the main causes of high blood sugar that leads to diabetes.

"But, of course, I cannot prevent people from eating unlimited amount of rice. It is their choice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN