Angel Locsin posts message for critics of her volunteer works

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin posted a tweet which looks like her response to critics, who try to bring her down despite her good intention to help others. 


Isang makahulugang mensahe ang ipinost ni Angel Locsin sa kanyang Twitter account kaugnay ng ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan sa oras ng krisis at kalamidad.

Tila ito ang sagot ng Kapamilya actress sa mga bumabatikos sa kanyang gawaing ito.

Pahayag ni Angel sa tweet niya nitong Miyerkules, June 14:

Noong nakaraang linggo ay may isang basher ang nag-akusa kay Angel ng pagiging fake at publicity hungry umano dahil sa pagtungo nito sa Iligan upang bisitahin ang mga evacuee mula sa Marawi City.

Libu-libong residente ng Marawi City ang nasa Iligan ngayon dahil sa patuloy na labanan sa pagitan ng mga militar at ng Maute terrorist group.

Sinuportahan naman si Angel ng kanyang fans, at pinasalamatan din siya ng mga ito sa pagtulong niya sa evacuees.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin accused of being publicity hungry by basher
Angel Locsin accused of being publicity hungry by basher
Angel Locsin posts photo of airstrike in Marawi City
Angel Locsin posts photo of airstrike in Marawi City

Sa isang short video, ipinaliwanag ni Angel na kaya siya nagtungo sa Iligan at binisita ang evacuees ay upang makita at malaman ang mga maaari niyang maitulong.

Kilala si Angel sa pagiging active volunteer sa panahon ng kalamidad.

Noong 2011, pinangunahan nila ni Anne Curtis ang isang online auction upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Pedring.

Noong 2013 naman ay ipina-auction ni Angel ang isang vintage car at ginamit ang nakuhang pondo sa pagtulong sa Yolanda victims.

Kilala ring masugid na tagasuporta ng Red Cross ang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN