Barbie Forteza laughs off viral singing video: "Hindi naman talaga ako singer."

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza on doing another album: "Kung naniniwala ang GMA na pakantahin ako, e, di go! Push!"


Natatawa lang si Barbie Forteza sa pagiging viral sa social media ng dating performance niya sa Party Pilipinas.

In-edit ito ng ilang netizens para maging katatawanan ang video ng pagkanta niya sa launch ng album niyang Meron Ba noong 2013.

Sa naturang performance, kasama ni Barbie sina Alden Richards, Derrick Monasterio, Jake Vargas, Kristoffer Martin, at Elmo Magalona.

“I love it!” bungad na reaksiyon ni Barbie nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito sa thanksgiving press conference ng Meant To Be kagabi, June 14.

Patuloy ng Kapuso actress, “Kasi noong ni-release ang album na yun... Kasi, hindi naman talaga ako singer.

“Noong na-release ang album, hindi naman siya pumutok talaga.

“So ngayon, talagang happy ako na napapansin siya!

“Baka puwede kong i-restock ang album ko at marami nang bumili ngayon, maging double platinum.

“Thank you, thank you.”

Tinanong ng PEP kung may balak siyang ipagpatuloy ang nasimulan na niyang singing career.

Sagot ni Barbie, “Ako naman talaga, mahilig ako kumanta.

“Kahit hindi ako marunong kumanta, mahilig akong kumanta.

“Kapag sa Sunday Pinasaya pinapakanta ako, go-go lang.

“Kasi hindi naman ako maarte para sabihin na marunong akong kumanta. Aminado naman akong hindi.

“Pero kung naniniwala ang GMA na pakantahin ako, e, di go! Push!”

Bilang katuwaan, hiniling namin kay Barbie na muling kantahin ang “Meron Ba” at pinaunlakan niya kami.

Panoorin dito:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


Narito naman ang performance ni Barbie kasama ang leading men niya sa Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN