Bianca Umali willing to wait for Miguel Tanfelix: "Mapapatunayan po namin iyon."

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali is happy to be considered "the right person" by Miguel Tanfelix. They've been friends for eight years, what if he starts courting her in earnest? "Depende po siguro sa kanya at depende sa akin kung ready na po akong magpaligaw," she answers, coyly. 


Hanggang ngayon ay good friends ang status sa pagitan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

“Ang tagal na po, eight years na po kaming magkasama, eight years na po this year,” sabi ng Kapuso teen actress.

Seventeen si Bianca ngayon. Kapag 18 years old na siya, puwede na ba siyang ligawan ni Miguel?

Tugon niya, “Depende po siguro sa kanya at depende sa akin kung ready na po akong magpaligaw.”

Sinabi ni Miguel in a separate interview na “ang tunay na pagmamahal ay handang maghintay.”

Pagsang-ayon naman ni Bianca, “Totoo naman po yun, mapapatunayan po namin iyon. Sana po.”

Sinabi rin ni Miguel na “the right person at the wrong time is the wrong person.”

Kaya ayaw raw nitong magmadali na ligawan at mapasagot si Bianca dahil bata pa nga ito.

“Happy po ako na gusto niya na ako yung maging right person,” reaksiyon naman ni Bianca.

MULAWIN VS. RAVENA. Magkasama ngayon sina Bianca at Miguel sa primetime series na Mulawin vs Ravena bilang sina Lawiswis at Pagaspas.

Seksi ang costume dito ni Bianca bilang taong ibon, kaya iba-iba raw ang ginawa niyang work-out program para makamit ang magandang katawan niya ngayon.

Aniya, “Actually every day, halos. I have strengthening training, may fighting training kami, harness, I have gymnastics also.”

Sabi pa niya, “Never ko pong ginawa.”

Pero dati pa raw ay nagsimula na siyang mag-training.

“Not for anything, gusto ko lang po talagang i-try.

“Gusto kong maging fit, nagkataon lang na sumakto na, ‘O, ikaw si Lawiswis!’

“And then, ipinakita sa akin ang costume, so iyon, pasok!” at tumawa si Bianca.

Patuloy niya, “Nung nalaman ko na it’s for Lawiswis, mas ginanahan po talaga ako nang sobra.

“Kaya rin siguro siya naging mabilis yung change, yung development.

“Maikukumpara nyo naman po yung hitsura ko dati sa hitsura ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang sinipag po talaga ako because of Mulawin vs Ravena.”

Hindi ba siya nagdalawang-isip nang malaman niyang seksi ang costume niya rito?

“Hindi po,” ang mabilis na sagot ni Bianca. “Not because gusto kong mag-mature kaagad, no, hindi.

“It’s because kapag isinuot ko yun, hindi si Bianca yun… ibang nilalang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN