Ryza Cenon leaves GMA Artist Center; signs up with Viva

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon on leaving GMA Artist Center: "Hindi ito biglaang desisyon lang. Pinag-isipan kong mabuti ito talaga. Kasi hindi naman po madali for me na iwanan ko yung Artist Center. Twelve years ako sa Artist Center and hindi po ako umalis sa kanila nang basta na lang."


Umalis na si Ryza Cenon sa poder ng GMA Artist Center, talent arm ng GMA Network.

Pumirma ng exclusive five-year contract sa Viva Artists Agency (VAA) si Ryza ngayong Huwebes, June 15.

Ngunit nilinaw ng aktres na mananatili siyang Kapuso star at talent ng GMA Network dahil dito nagsimula ang showbiz career niya.

Si Ryza ay produkto ng reality-based artista search ng Kapuso network na StarStruck Season 2, kung saan siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor.

Pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-decide po ako na lumipat kasi gusto ko na mag-explore pa.

“Gusto ko po gumawa ng movies, so na-excite ako.

“Kumbaga, for me, para ano ito, e... high school to college na.”

Patuloy ni Ryza, “February 2017 nang mag-expire ang kontrata ko sa GMA Artist Center, so mahabang proseso ito.

“Hindi ito biglaang desisyon lang. Pinag-isipan kong mabuti ito talaga.

“Kasi hindi naman po madali for me na iwanan ko yung Artist Center.

“Twelve years ako sa Artist Center and hindi po ako umalis sa kanila nang basta na lang.

“Kinausap ko po ang Viva na, ‘Bago ako pumirma sa inyo, gusto ko nang ayos lahat.’ Naayos po naman lahat.”

Diin pa ng Ika-6 Na Utos actress, “Ipinaglaban ko po sa Viva.

“Sabi ko, mag-stay pa rin ako sa GMA-7 dahil dun ako nagsimula.

“From StarStruck po, dun ako nagsimula so hindi ko basta-basta maiiwan.”

RYZA'S BOYFRIEND. Itinanggi naman ni Ryza ang haka-hakang may kinalaman sa kanyang paglipat sa Viva Artists Agency ang boyfriend niyang si Cholo Barretto, na contract star din ng talent management agency ng Viva Films.

Ayon kay Ryza, maayos na maayos ang pagpapaalam niya sa GMA Artist Center.

“Linawin ko rin po, nabasa ko rin naman po yung blind item sa akin, saka yung write-ups.

“Si Cholo po, wala siyang kinalaman sa desisyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sa trabaho ko, never siyang nakialam or nagsalita about it, at hindi ko rin po siya ia-allow kasi isa ‘yan sa pag-aawayan namin.

“Nakilala niya ako nang ganito. Kailangan niya na i-accept yun at respetuhin, at ginawa naman niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN