Dennis Trillo says his 10-year-old son approves of Jennylyn Mercado

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo says his 10-year-old son, Calix, is aware of Jennylyn Mercado as Dennis's girlfriend and approves of the actress for his dad. 


Pabor ang anak ni Dennis Trillo sa girlfriend ng aktor na si Jennylyn Mercado.

“Oo, alam niya. Kasi nakikita niya happy naman ako,” sabi ng bida ng Mulawin vs. Ravena nang tanungin kung aprubado sa kanyang anak si Jennylyn.

Si Calix, 10-anyos, ay anak ni Dennis sa dating niyang girlfriend na si Carlene Aguilar.

"Tita Jen" daw ang tawag ni Calix kay Jennylyn.

Malaki raw ang pasasalamat ni Dennis na sa murang edad ni Calix ay nauunawaan niya na hiwalay ang kanyang mga magulang.

Ayon sa Kapuso actor, “Si Calix matalino siya na bata. Feeling ko, advanced yung utak niya para sa age niya.

“Siguro dahil marami siyang iba't ibang nakakasama, madaling mag-absorb ang utak niya ng information. Mas mabilis naiintindihan ang ganong bagay.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa pocket press conference ng Kapuso primetime teleserye na Mulawin vs. Ravena at My Love From The Star, nitong Huwebes, June 15.

ON SETTLING DOWN WITH JEN. Medyo umiwas naman si Dennis nang tanungin kung sigurado na siya kay Jen.

“Tingnan natin, di ba?” sabi ng aktor.

Hindi pa ba nila naiisip ni Jen na lumagay na sa tahimik?

Tugon ni Dennis, “Naiisip naman pero yung pagpaplano, malaking bagay kasi ‘yan.

"Maraming kailangang ayusin, matagal na pagpaplano."

Ano ang pumipigil para sa tuluyan nilang pagpapakasal ng aktres?

“Wala namang naghi-hinder. Siyempre naghihintay lang kami na maging ready na ang isa't isa.

“Di naman financially. Siguro emotionally, siyempre physically.

“Hindi naman biro yung pagpaplano ng ganong upgrades sa buhay.”

Sa ngayon daw, mas gusto nila ni Jennylyn na i-enjoy ang kanilang pagsasama.

“Ang importante mag-enjoy kayo sa present para mas maging malinaw sa ‘yo ang future.”   


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN