Gil Guerva doesn't mind "sex object" tag

IMAGE Noel Orsal

My Love From The Star lead actor Gil Cuerva doesn't mind being seen as a sex object, but he hopes that fans will eventually appreciate his talent as an actor as well.


Aminado ang showbiz newbie na si Gil Cuerva na nao-overwhelm siya sa suporta at paghanga na nakukuha niya mula sa fans ng My Love From The Star.

Si Gil ang gumaganap na leading man ni Jennylyn Mercado sa Kapuso primetime series na ito.

Paqhayag ng model-turned-actor, “Not to sound cliché, I only say this because this is the truth, pero thankful ako na ganun yung reaction ng mga fans, na malakas yung support ng fans, that I’m getting.

“I guess it’s overwhelming.

"I guess di ako sanay na ganito karami ang support na nakukuha ko from fans.

"Talagang nag-multiply sila ngayon ever since lumabas yung show namin, which I am grateful for."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gil sa pocket presscon ng Mulawin vs Ravena at My Love From The Star, sa GMA Network Center, nitong Huwebes, June 15.

ON BEING A SEX OBJECT. Pinakilig din ni Gil ang maraming kababaihan at gays dahil sa kanyang shower scene sa unang episode ng My Love From The Star.

Dahil dito, hindi maiwasang pagpantasyahan ang binata at maging “sex object.”

“Parang keri lang,” pakli ni Gil.

“I appreciate it, I guess, in a way.

"It just means na gusto nila ako, but it’s not something I put so much thought into.

“I mean, thankfully, they find me attractive, sexy or whatever.

“Pero sana naman, in the future, ma-notice nila na maganda rin yung acting, which right now I’m trying to get better.”

CLOSENESS WITH JENNYLYN. Inusisa rin si Gil kung ano ang level of closeness nila ni Jennylyn, lalo pa’t magkatambal sila sa serye.

Saad niya, “Not too personal. Hindi ako nagpi-feeling close kay Jennylyn.

"Hindi ako sumisipsip, pretending to be ganun.

“Parang, for me, yung relationship namin ni Jen, parang mas casual lang.

“We talk about yung mga interest namin, stuff that’s been going on, pero hindi naman parang exag [exaggerated] na todo, na parang lahat kinukuwento o parang tinatanong ko kay Jen or whatever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN