Ryza Cenon on leaving GMA Artist Center: "Para po akong nakikipag-break sa boyfriend ko."

IMAGE Rose Garcia

Ryza Cenon on her decision to change talent management: "Parang gusto ko muna pong lumayo sa comfort zone ko. Gusto ko na iba naman. Para maka-try rin ako ng iba't ibang klaseng trabaho. Sa Artist Center, puro TV shows, e. Dito, siguro may movie na."


Ikinumpara ni Ryza Cenon sa level ng edukasyon ang desiyon niyang paglipat mula sa talent arm ng Kapuso network, ang GMA Artist Center, papunta sa Viva Artist Agency (VAA).

Mula sa high school ay nasa kolehiyo na raw siya ngayon.

Pumirma si Ryza sa VAA sa Viva office, sa Philippine Stock Exchange, Ortigas City, noong Huwebes, June 15.

Pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Panibagong journey po 'to ng career ko, para sa akin. Na-excite po ako para rito.”

Hindi raw naging madali para kay Ryza ang desisyon niyang lumipat ng management. 

Mula nang itanghal siyang Ultimate Female Survivor sa StarStruck Season 2, 12 taon naging exclusive talent ng GMA Artist Center si Ryza.

Saad ng 29-year-old actress, “February [20167] pa po nang mag-expire ang contract ko. 

“Hindi po ito biglaang desisyon lang. Pinag-isipan ko po itong talaga. 

“Kasi, hindi naman po madali for me na iwanan ko ang Artist Center for twelve years.

“Hindi naman po ako umalis sa kanila ng basta na lang.

“Talagang pinilit, kinausap ko po ang Viva na, ‘Bago ako pumirma sa inyo, gusto ko maayos lahat.’”

GROW AS AN ARTIST. Maayos daw ang naging pag-alis niya sa talent arm ng Kapuso network.

Ayon kay Ryza, “Naintindihan naman po ako ng Artist Center.

“Sinabi ko sa kanila na gusto ko pang mag-explore. 

“Sinabi ko po na hindi nga madali ma magpaalam sa inyo, kasi para ko na rin po kayong mga magulang.

“Especially sila, yung batch nila, sila yung nag-reach out sa akin. Pinakinggan nila ang side ko, yung ganun. 

“So, hirap na hirap po ako. Para po akong nakikipag-break sa boyfriend ko.

“Ganun yung feeling, sobrang ganun ang feeling.

“Pag-uwi ko, hirap na hirap ako, ‘Bakit ganito?’”

Nabanggit ni Ryza na kaya siya lumipat ng talent management ay dahil gusto niyang mag-grow. Gusto rin daw niyang makagawa pa ng maraming pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang gusto ko muna pong lumayo sa comfort zone ko.

“Gusto ko na iba naman. Para maka-try rin ako ng iba't ibang klaseng trabaho.”

Dugtong pa niya, “Sa Artist Center, puro TV shows, e. Dito, siguro may movie na.

“Hopefully, God will, magkaroon ng endorsement.

“Ma-explore ko po lahat, magawa ko po lahat. Maipakita ko na kaya ko.”

STILL A KAPUSO. Paglilinaw ni Ryza, kahit na wala na siya sa GMA Artist Center ay mananatili pa rin siyang Kapuso. 

Katunayan, patuloy pa rin siyang napapanood sa hit afternoon drama series na Ika-6 Na Utos.

“Ipinaglaban ko po yun sa Viva,” diin ni Ryza.

“Sabi ko, hangga't maaari po, mag-i-stay pa rin ako ng GMA. 

“Kasi, dun ako nagsimula. From StarStruck po, hindi ko po maiiwan.”

Pero wala raw siyang network contract kung ilang taon na rin.

“Matagal na po, ilang years na po akong walang network contract. 

“Pero sobrang thankful po ako sa Artist Center kasi talagang binibigyan pa rin po nila ako ng work.”

Dagdag pa ni Ryza, “GMA pa rin po ako, Kapuso pa rin po ako.”

Bakit nanatili siyang Kapuso kahit wala siyang network contract?

Tugon niya, “Kasi love ko sila, e. 

“Love ko ang GMA, kasi sila ang nagbigay sa akin ng pangalang Ryza Cenon.”

Dahil wala naman pala siyang network contract at wala na siya sa GMA Artist Center, ibig sabihin ba nito ay puwede na siyang gumawa o tumanggap ng proyekto sa ibang networks?

Sabi ni Ryza, “Depende po, like ngayon, may Ika-6 po ako. Hindi pa allowed na mag-guest sa iba.

“Pero priority ko pa rin ang GMA. GMA pa rin.”

Hindi ba sya pinigilan ng GMA Artist Center?

 “Nag-usap naman po,” sambit niya.

“Sabi ko nga po, ang tagal nito. From February po, ngayon pa lang po ako... June na.

“So, ang tagal niyang pinag-isipan. Nakikipag-usap po ako sa same. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ang Viva po ang lumapit sa akin na gusto nila akong hawakan.”

TAKING A RISK. Ang paglipat ba niya ng talent management ay nangangahulugang magbabago na rin siya ng image?

Saad ni Ryza, “Nag-cover naman na po ako ng FHM.

“Kumbaga, iba naman po yung mga gusto kong gawin. Gusto kong maging aktres.

“At saka, na-realize ko, tumatanda na ako.

“Ano na ba ang nagawa ko? Ano na ba ang narating ko? Ano na ang na-invest ko?

“Lahat yun, pumasok sa akin lahat.

“Kailangan ko yatang mag-risk na. Magkaroon ng malaking desisyon. 

“Although mahirap para sa akin, pero kailangan para sa akin, para magkaroon ako ng growth bilang isang artista.

“Kasi, yun na lang ang kulang sa akin.

“Sa tagal ko sa showbiz, yun na lang ang kulang sa akin, yung growth. 

“Sana dito, makita o mabigay po sa akin ang gusto kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN