Stephany Stefanowitz denies being courted by Baste Duterte

IMAGE Glen Sibonga

Former 2012 Miss Earth-Air Stephany Stefanowitz clarifies rumors linking her to presidential son Baste Duterte, saying that it all started after her guest co-hosting stint in Baste's Lakbai travel show: "No, no, hindi siya nanliligaw. Hindi pa nga kami nagkikita ulit, e."


Pinabulaanan ng Fil-German beauty queen na si Stephany Stefanowitz na nanliligaw sa kanya ang presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte.

Si Stephany ang itinanghal na Miss Earth-Air noong 2012 Miss Earth international beauty pageant.

“No, no, hindi siya nanliligaw.

“Hindi pa nga kami nagkikita ulit e,” paglinaw ni Stephany.

Ayon kay Stephany, nagsimula raw silang ma-link ni Baste nang magkasama sila sa adventure at travel show ng TV5 na Lakbai, kunsaan main host ang presidential son kasama sina Bogart the Explorer, S'boi Malicay, Andrei Apostol, at Atty. Alexis Lumbatan.

Naging guest co-host si Stephany sa isang episode ng Lakbai noong pumunta sila sa Laoag, Ilocos Norte.

Hindi pa raw naipapalabas ang naturang episode.

Kuwento ni Stephany, “Kasi yung TV5 crew and yung mga kasama ni Baste sa show, they were teasing us and sabi nila, ‘Kitang-kita namin ang connection niyo ni Baste.’

“Tapos, yung best friend ni Baste, in-interview for the show.

“Kasi after the trip may on-cam interview yung bawat host, bawat cast, kung how is the whole trip, favorite part mo, ganyan.

“Apparently, yung best friend ni Baste, kami yung nagkasabay doon sa isang water sports after naming mag-jump ng cliff.

“Tapos, nung in-interview na yung best friend ni Baste, he was saying sa TV5 na… kasi they asked him about me and Baste, and then the best friend said na parang I have all the qualities that Baste is looking for in a woman.

“Kaya nga they were asking me kung may connection, if I feel the connection.

“Ang sabi ko lang, maayos namang katrabaho si Baste.

“Honestly, too short yung stay namin sa Laoag para mas makilala pa namin yung isa’t isa.”

Sabi pa ni Stephany, bukod sa nag-enjoy siyang kasama si Baste at iba pang hosts ng show, na-enjoy rin daw niya ang trip nila sa Laoag kaya thankful siya sa TV5 at sa buong Lakbai team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “It’s actually really nice kasi I’ve been to Laoag many times, pero never pa ako naka-tour doon, nakaikot.

“I’m always there to judge Miss Laoag, to host a show, ganyan.

“Pero after work, usually balik-Manila agad, so hindi ako nakaka-tour.

“And nag-enjoy ako kasama lahat ng hosts ng show, as in barkada talaga kami in the show.

“You’ll see it naman e, you’ll watch it naman.

"Tignan niyo na lang kung mayroon ba talagang anything [connection with Baste].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Stephany sa Psalmstre plant visit ng Miss Earth-Philippines 2017 candidates sa Meralco Village, Taytay, Rizal noong June 16.

Present siya sa event na ito dahil siya ang endorser ng New Placenta soap and beauty products ng Psalmstre Enterprises Inc., na isa sa sponsors ng pageant.

Bilang dating Miss Earth-Philippines titleholder, nagbigay din si Stephany ng inspirational talk at advice sa present candidates. Nakasama niya sa event ang CEO ng Psalmstre na si Jaime “Jim” Acosta.

WHAT IF? Natawa lang si Stephany nang biruin ng PEP na siya na pala ang ipinalit ni Baste kay Ellen Adarna.

“No, that’s not true,” giit niya pero nakangiti.

“But honestly, 'eto talaga, he’s a really nice guy.

“I was thinking nga before na parang medyo snobbish, pero okay naman yung ugali ni Baste.

“Masaya siya kasama.

“Pati yung buong TV5 crew, talagang ang ganda ng way how they handle this show kasi there is no script in Lakbai, so whatever goes lang.”

Ano pa ang ibang qualities ni Baste na nagustuhan niya?

“He’s very funny, light siyang katrabaho.

“Cool na cool siya. He’s very humble.

“Yung mga bodyguards nga niya ayaw niyang nakasunod.”

Noong magkasama sila ano ang mga napag-usapan nila ni Baste?

“They asked me kasi if I’m single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Yes, I’m single.’

“Tapos, Baste was asking… ang daming tanong ni Baste sa akin.

“He was asking my age, he was asking my nationality.

“He was asking a lot of things, actually. And then to me that’s normal. A lot of guys asked me that also.”

Paano kung ligawan siya nito? May chance ba ang presidential son?

“Kasi I’m single naman now.

“But I don’t know how to answer that right now.

“Siguro friends muna. Kasi I just broke up din, e.”

Pero ready na ba siya na pumasok ulit sa bagong relasyon?

“Ako naman kasi honestly hindi naman iyan sa pagiging ready.

“Kasi once you start feeling something for someone, yun na yun, e.

“You can’t really stop that. So, I’m just waiting for that.

“Honestly, right now, wala pa, e.

“So, sa ngayon, just be happy lang.

“Focus on being better with yourself everyday.

“Someone will come along, whether it’s Baste or not or whoever, it doesn’t matter.

“But as of now, we’re really good friends. Mabait siya talaga.

“Inaalalayan niya pa ako kahit off-cam.”

Pagkatapos nilang magkatrabaho ni Baste, nasundan pa ba ulit ang pagkikita nila?

Aniya, “No, I think he’s very busy. One episode lang iyon, we were together for three days.”

Paano kung bigla siyang yayaing lumabas ni Baste?

“Yeah, why not?

“Pero kung date, I don’t go on dates kasi, e.

“Pero kung hangout lang with friends, okay lang.”

Paano kung silang dalawa lang?

“Kung kami lang dalawa ni Baste?

“Baka iba na iyon,” biro niya sabay tawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN