Jovit Baldivino: "Mag-isip muna bago kayo manghusga."

IMAGE Jovit Baldivino Facebook page

After the issues surrounding him and ex-girlfriend Shara Chavez, Jovit Baldivino has an appeal to his bashers: "magisip muna kayo bago kayo manghusga kasi hindi po kayo ang batas para husgahan ako ng ganun ganun na lang."


Nagsalitang muli ang singer na si Jovit Baldivino tungkol sa fans at ibang taong nanghusga sa kanya dahil sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na birada sa kanya ng ex-girlfriend na si Shara Chavez.

Sa pamamagitan ng kanyang verified Facebook page, nagpahayag si Jovit kahapon, June 16, ng kanyang saloobin tungkol sa kanyang bashers.

Saad ng 23-year-old singer, “Kalmado lang kami lahat, Family ko Relatives ko mga kaibigan ko, kasi ayaw namin na mas lalo pang lumaki yan, at ayaw din namin magsalita ng masasakit na bagay sa mga taong mapanghusga.

“basta andito pa din ako nakatayo at paninindigan ko, namin, na wala kaming ginawang masama.”

Hindi man niya idinetalye ay inamin ni Jovit na minsan na rin siyang nagkamali, subalit sinubukan daw niyang ibangon ang sarili.

Pagpapatuloy niya, “oo minsan nagkamali ako, nagsisi, pero pinilit kong ibangon ang lahat ng bagay na nagkulang ako, kasi hindi ako masamang tao alam ng karamihan yan.

“pero kung naniniwala kayo sa bagay na yan, wala naman ako magagawa kasi hindi ko naman po hawak ang mga pagiisip nyo,

“kayo naman din po ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at kung bakit ako andito sa kung ano man ako ngayon,

“at kayo din ang nagsabi na wag kang magbabago sana laging nakatapak ang paa sa lupa, at wag masyado snobero sa fans at sa lumalapit para humingi ng tulong, kahit kelan hindi ko po nagawang magdamot sa mga bagay na yan.

“masaya ako sa ipinahiram na talento sa akin ni god, at masaya din ako na pinasasaya ko kayo bawat pagtatanghal ko sa entablado,”

Sa huli, sinabi ng Pilipinas Got Talent Season 1 grand winner na sana ay mag-isip muna ang bashers bago siya tuluyang husgahan sa mga pangyayari.

Aniya, “pero ito lang ang masasabi ko sa inyo, magisip muna kayo bago kayo manghusga kasi hindi po kayo ang batas para husgahan ako ng ganun ganun na lang,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming Salamat po [sa] inyong lahat na patuloy na naniniwala at nagmamahal sa akin,, God Bless always.”

Naunang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, June 12, ang pahayag ni Shara at sinabing naghiwalay na sila ni Jovit dahil sa pambababae nito.

Inilathala rin ng PEP kagabi, June 16, ang mahabang Facebook post ni Shara tungkol sa pagsusugal umano ni Jovit at hindi nito pagbibigay ng sustento para sa kanilang nag-iisang anak.

Nananatiling bukas ang PEP para sa pahayag ng mga kampo nina Shara at Jovit tungkol sa isyung ito.


Stories We Are Tracking

Shara Chavez rants about Jovit Baldivino's excessive gambling
Shara Chavez rants about Jovit Baldivino's excessive gambling
Jovit Baldivino reacts to charges of being a cheat
Jovit Baldivino reacts to charges of being a cheat
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN