Nadine Lustre hits back at bashers for linking BF James Reid to her best friend

IMAGE Noel Orsal (Nadine) / Twitter

Nadine Lustre's tweet to netizens who put malice on photo of boyfriend James Reid hugging her friend: "Im sorry, but SERIOUSLY. WTF are you all going on about? Talking shxt about my best friend?"


Sunud-sunod ang buwelta ni Nadine Lustre, via Twitter, sa mga netizen na naninira sa kanyang “best friend.”

Hindi pinangalanan ng aktres kung sinong best friend ang tinutukoy niya, ngunit halatang apektado siya base na rin sa kanyang posts:

Dagdag pa ng aktres, wala siyang pakialam kung husgahan siya dahil sa mga salitang ginamit niya sa kanyang tweets.

Binalaan din niya ang mga magsasalita ng hindi maganda tungkol sa kanyang mga kaibigan.

Hindi man pinangalanan ni Nadine kung sino ang tinutukoy niyang bashers, nag-tweet siyang alam daw ng kanyang fans kung sino ito.

Dagdag pa niya, ang mga naninira ay hindi fans, na nagkakalat lamang daw ng mga kasinungalinan upang maapektuhan ang kanyang mga tagasuporta.

“They're not even fans. They're just there to hate and make issues. Disheartening the real fans.

Sa comments section, nagkomento ang mga netizen kung ano ang pinag-ugatan ng galit ni Nadine.

May kinalaman diumano ito sa pagli-link ng bashers sa boyfriend ni Nadine na si James Reid sa isang babaeng nagngangalang Mika, na kaibigan umano ng aktres.

May netizen na nagbahagi ng screen shoot ng larawan ni James na may kayakap na babae na diumano’y si Mika.

 

Galing ang mga larawan sa Instagram account ni @xx.cruella.xx, pero naka-private ang nasabing account.

Tinanong ng isang netizen kung si Mika ba ang tinutukoy ni Nadine na kaibigan niya na nali-link kay James.

Kinumpirma ito ni Nadine.


Isa pang netizen ang nagsabing nili-link sina James at Mika dahil nagyayakapan ang mga ito.

Sabi naman ni Nadine, walang masama roon dahil niyayakap niya ang kanyang mga kaibigan.


Magkakahalo ang reaksiyon ng netizens.

May mga hindi inasahan ang reakisyon ni Nadine at mayroon ding natuwa sa pagiging palaban nito.

Ang iba naman, pinaalalahanan si Nadine na huwag na lang pumatol sa bashers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN