Baron Geisler and Nadia Montenegro bicker over unreturned car

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Ipinost ni Baron Geisler ang text messages sa kanya ng isang tao kaugnay ng ipinagawang sasakyan ng aktor. Sa isang bahagi ng mensahe ay binanggit ni Baron ang pangalang "naka montenegro." Si Nadia Montengero nga kaya ang nagpadala ng mga mensahe sa aktor?


“Ginangster ako. Ibalik mo na lang ang Camry ko! Huli ka!”

Ito ang makatawag-pansing post ng aktor na si Baron Geisler sa kanyang Facebook account kagabi, June 18.

Kalakip nito ay ang screen shots ng text messages ng isang taong galit na galit sa kanya.

Base sa mga mensahe, may kinalaman ito sa sasakyan ng aktor na diumano'y hindi pa naisasauli sa kanya.

Nagpaulan ng masasakit na salita ang nag-text kay Baron, at tinawag pa ang aktor na “hayop.”


 

Kasunod nito, sinabi ng nag-text kay Baron na iyon na ang huling pag-uusap nila dahil iba-block na raw niya ang aktor sa kanyang cell phone.

Tinawag pa niyang “ungrateful piece of shit” si Baron.



 

Sa huli nitong text message, sinabi ng sender na nakikinig daw kasi si Baron sa mga maling tao, kaya tuluyan na itong napalayo sa mga taong totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.

Kasunod ng mensaheng ito ay ang sagot ni Baron, kung saan binanggit niya ang pangalang "naja montenegro."

May kasunod pang mensahe ang aktor na "Master manipulator."


Ang tanong ngayon ng marami: Kay Nadia Montengero nga kaya nanggaling ang text messages na ipinost ni Baron sa kanyang Facebook account?

Upang kumpirmahin kung si Nadia ang tinutukoy niya sa kanyang post, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Baron sa kanyang Facebook messenger kaninang umaga.

Ngunit "seen" lang niya kami at hindi pa ito tumutugon.

Nagpadala rin ang PEP ng text message sa kanyang cell phone number, ngunit hindi pa rin siya sumasagot hanggang ngayon.

Sa kabilang banda, humingi na rin ang PEP ng paglilinaw mula kay Nadia tungkol sa naging post ni Baron. Ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa niya sinasagot ang aming text message.

Sa kasalukuyan, burado na ang posts ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN