Baste Duterte kisses Ellen Adarna in public months after their breakup

IMAGE Noel Orsal / Facebook @riomusiccebu

Pagkatapos ng ilang buwan, muling nakita sa publiko ang dating magkasintahang sina Baste Duterte at Ellen Adarna. Nagyakapan at naghalikan pa ang dating magkarelasyon. 


Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkitang muli ang dating magkarelasyon na sina Ellen Adarna at Sebastian ‘Baste’ Duterte sa isang bar sa Cebu City, nitong nakaraang Sabado, June 17.

Sa video na in-upload sa Facebook ng user na may handlename na @riomusiccebu, makikitang kumakanta si Ellen ng sikat na Cebuano song na "Pero Atik Ra" ni Jacky Chang.

Mapapansing nasa harapan lamang ni Ellen ang ex-boyfriend na si Baste.

Bahagi ng kinanta ni Ellen: “Diri na lang ko kutob, diri na lang ko taman (Hanggang dito na lang ako Hanggang dito na lang ako).

“Dili na ko mogukod, sa taw’ng kusog modagan (Di ko na hahabulin, yung taong mabilis tumakbo).

“Kay kung di gyud, di gyud, wala na ta’y pugsanay (Dahil kung di talaga... hindi talaga. Wala nang pilitan pa).

“Ay na lang, ay na kug atika (Wag nalang, Wag mo na 'kong biruin pa).

“Dili na ko mag-assume, dili na ko magpada (Di na ako mag-aasume, di na ako magpapaloko).

“Dili na ko magpatonto, nimo nga paasa (Di na ako magpapauto, sa'yo na paasa).

“Kay kung di gyud, di gyud, wala na ta’y pugsanay (Dahil kung di talaga.. hindi talaga. Wala nang pilitan pa).

“Pero atik ra ha, ha, atik ra ha, atik ra (Pero biro lang talaga ito. Biro lang, biro lang).”

Pagkatapos kumanta ni Ellen, lumapit sa kanya si Baste at niyakap ito.

Ngunit hiniling ng mga taong nakapalibot sa dalawa na halikan ng presidential son sa labi ang dating nobya, at ginawa naman niya ito.


Ito ang unang pagkakataong nakita ang dalawa sa publiko matapos ang kanilang hiwalayan noong 2016.


Stories We Are Tracking

Baste on breakup with Ellen:
Baste on breakup with Ellen: "Puwede bang past is past na?"
Ellen reveals
Ellen reveals "final straw" in breakup with Baste
Ellen slams alleged use of weed in viral video with Baste
Ellen slams alleged use of weed in viral video with Baste


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN