Derrick Monasterio flattered by nasty comments of gay fans

by Bernie V. Franco
Jun 19, 2017
Instead of feeling insulted or self-conscious, Derrick Monasterio gets a kick out of gay fans taunting him with indecent proposals. 

Sa halip na mabastusan, idinadaan na lang ni Derrick Monasterio sa tawa ang mga komento ng gay fans na pinagpapantasyahan siya.

“Masarap din sa feeling, wow! Hahaha! Okay din. Very nakaka-flatter.

"Girls din ang turing ko sa kanila. So, parang girls, critics na babae na hinahangaan ang lalaki," sabi ng Mulawin vs. Ravena actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, June 15.

May mga komento rin ang kanyang gay fans na may halong kabastusan, pero compliment daw iyon para kay Derrick.

Aniya, “Napa-flatter po ako. Never akong na-trauma.

“Pag nakakabasa ako ng nasty comments na very sexual sa mga gay sites, natutuwa ako.”

ON INDECENT PROPOSALS. Aminado rin si Derrick na nakakatanggap siya ng indecent proposals.

Hindi na niya idinetalye kung anong klaseng proposals ang mga ito, pero hindi raw siya pumapatol dito.

“May mga proposal, pero hindi pa rin, e.

"Siguro kahit alukin ako ng ganun, magiging close pa rin ako sa kanila.

Continue reading below ↓

“May mga ganyan, may mga offer, pero di ko naman pinapansin.

“Siguro hindi ko na lang po nirereplayan.”

UNDESERVING OF THE ROLE. Aktibo rin si Derrick sa social media at natutuwa siya sa pagdami ng kanyang followers.

Sa Mulawin vs. Ravena, ginagampanan ni Derrick ang role na Almiro—ang bagong sugo at anak ni Alwina (Heart Evangelista) na dating sugo.

“So far, dumadami naman ang aking followers. Nakakatuwa kasi they’re really sympathizing with my role.

“At the same time, they are with me in my journey.”

Pero kasabay ng pagdami ng followers niya ay ang pagkakaroon ng bashers.

Madalas daw na pamumuna sa kanya ay hindi siya deserving sa kanyang role.

Sabi ni Derrick, “Siguro they still think I’m raw when it comes to acting, when it comes to experience.

“So, yun nga, yung bawi ko dun, I’m really doing good sa bawat scene para wala silang makitang loophole.

“Every scene for me is pressure.

Continue reading below ↓

"Very kinakabahan ako kahit madaling eksena lang, di ko alam kung paano siya papagandahin."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Instead of feeling insulted or self-conscious, Derrick Monasterio gets a kick out of gay fans taunting him with indecent proposals. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results