Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!

IMAGE Noel Orsal

Charice Pempengco is back with a new persona and is now calling herself as Jake Zyrus. Will it help revive her floundering career as international singer?


Mukhang naka-move on na si Charice Pempengco sa hiwalayan nila ng partner na si Alyssa Quijano.

Noong Huwebes, June 15, binura na lahat ng singer ang posts niya sa Instagram, kasama na ang mga larawan nila ng ex-girlfriend.

Kasunod nito, binago na rin ng tinaguriang "The Most Talented Girl in the World" ang kanyang pangalan sa Instagram.

Simula noong Huwebes, Jake Zyrus na ang napiling pangalan ng singer na itatawag sa kanya.

Sabi ng international Pinay singer sa kanyang Instagram post: “From the bottom of my heart, thank you for the love and respect. I love you back and I'm sending peace to everyone.”

Sa Twitter, @jakezyrus na rin ang handle name ng singer.


Ikinagulat naman ito ng ilan niyang followers.

 

Matatandaang lumamlam ang singing career ni Charice mula nang inilantad niya ang kanyang tunay na kasarian.

Nitong nakaraang buwan, inanunsiyo niyang magpapalamig muna siya sa showbiz.


Stories We Are Tracking

Charice's mom gives update about singer after Alyssa split
Charice's mom gives update about singer after Alyssa split
Charice's mom Raquel Pempengco reacts to
Charice's mom Raquel Pempengco reacts to "laos" comments
Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up
Charice Pempengco and partner Alyssa Quijano break up


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN