Xian Lim maintains close relationship with Kim Chiu despite rumored breakup

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim on rumored breakup with Kim Chiu: "Wala naman kasing patutunguhan ang ganyang unwanted comments."


Simula nang gumawa ng magkahiwalay na proyekto sina Xian Lim at Kim Chiu, hindi maiwasang isipin ng ilan na natapos na rin ang relasyon ng magka-love team.

Ito ay sa kabila ng hindi naman nila pag-amin kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila.

Pahayag ni Xian tungkol dito, “Rumors are rumors. Kung anuman siya, let it be.

“I don't really have anything to say, kasi I don't wanna entertain those kind of vibes, e.

“Wala naman kasing patutunguhan ang ganyang unwanted comments.”

Sa ngayon, sabi ni Xian, wala namang nabago sa relasyon nila ni Kim.

Ito ay sa kabila na muling ipinareha si Kim sa dati niyang boyfriend at ka-love team na si Gerald Anderson para sa morning drama series na Ikaw Lang ang Iibigin.

Ayon sa Kapamilya actor, “I don't know. It's still the same. It's still the same.

“Kung anuman ang mga pinagsasabi ng mga tao, let it be. That's their belief.

“Wala naman kasi talaga. We're not that kind to be scandalous about anything.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa press conference ng Song in the Key of X concert niya, nitong Lunes, June 19.

Kumusta naman ang puso ni @xianlimm?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nilinaw rin ni Xian na hindi naman kailangan na sa lahat ng panahon ay silang dalawa ni Kim ang magkatrabaho.

Nitong nakaraan ay naging isa sa mga leading men ni Jodi Sta. Maria si Xian sa pelikulang Dear Other Self. Kasama nila rito si Joseph Marco.

Ayon kay Xian, “When it comes to getting projects, nabibigyan lang kami ng proyekto, yun lang po yun.

“It's more of management who decides kung sino and anong projects ang nababagay sa amin.

“It doesn't really matter kung magkatrabaho kami ngayon o hindi kami magkatrabaho ngayon.

“Wala naman po yun. We're just doing our passion and we're just doing what we want to do.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Wala rin daw dapat ikabahala ang fans ng tambalan nila ni Kim, na kilala sa pangalang KimXi, kung hindi magiging parte ng kanyang pangalawang concert si Kim.

Saad ni Xian, “Hindi naman kasi namin dinu-dwell yung mga issues. We don't really focus on that.

“Hindi naman po doon umiikot ang production, hindi naman po doon umiikot ang pagiging creative ko.” 

Sa concert niyang A Date With Xian noong July 2016, nakasama ni Xian si Kim sa isang dance number.

Hindi man sila magkakasama sa isang production number sa pangalawang concert niya, siniguro pa rin daw ni Kim na manonood ito ng concert niya sa July 15.

“Kim will be watching the concert.

“Last year po kasi, she was part of the concert.

"This year, I just wanted to give everyone something different.

“But she will be there. Sabi naman niya, bibili siya ng maraming tickets.”

Diin pa ni Xian, “Kim promised that she will be supporting me all the way.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN