Sarah Lahbati proudly shows promise ring given by Richard Gutierrez

IMAGE Glenn Regondola

Sarah Lahbati was surprised by partner Richard Gutierrez at the special screening of her latest film, Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz, held Monday night at Robinsons Galleria Cinema.


Sa unang pagkakataon ay ipinakita ni Sarah Lahbati ang promise ring na ibinigay sa kanya ng partner niyang si Richard Gutierrez.

Suot-suot ito ni Sarah sa advance screening ng pelikulang Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz, na ginanap sa Cinema 1 ng Robinsons Galleria, sa Ortigas, Lunes ng gabi, June 19.

Pahayag ng Kapamilya actress, “I'm wearing our promise ring tonight, it's our promise ring. That's all I can say.

“The right time will come [for marriage].

“Actually, matagal na niya itong ibinigay, when we were in L.A. [Los Angeles].

“I think, mga four years ago.”

Dahil sa promise ring, mas secured daw ang pakiramdam ni Sarah na kahit hindi pa sila kasal, alam niyang si Richard na ang makakasama niya habambuhay.

“Oh, yes, I have the best life ever.

“I'm so happy and I wish I couldn't wish for anything.

“Darating din tayo diyan, malapit na,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters

Ano naman ang pangako sila sa isa't isa?

Pag-iwas ng StarStruck alumna, “Huwag na, sa amin na lang yun.

“I have shared so many na kaya sa amin na lang yun.”

FUTURE BRIDE. Kung sakali, anong buwan niya gustong ikasal?

Sagot ni Sarah, “Mainit ang June... ano ba ang buwan na malamig?

“December? Ah, baka November bride.

“Ayoko ng mainit kasi mahuhulas ako. Ha-ha-ha!

“Kung malapit na? We'll see, we'll see.

“But, yeah, I'm wearing our promise ring tonight.”

Samantala, isang malaking sorpresa para kay Sarah ang pagdating ni Richard sa advance screening ng pelikula niya dahil hindi nila akalaing darating ito.

Kagabi rin kasi ang pilot episode ng La Luna Sangre, ang primetime series ng ABS-CBN kung saan gumaganap si Richard bilang kontabida.

Nangingiting pahayag ni Sarah, “Since he's a doing a big role dun, alam kong gusto niyang mapanood ito, and I'm watching it na lang online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga kanina kung ba't wala dito si Richard, sabi ko nanonood siya with the entire family.

"Nag-order sila ng food, nag-prepare sila ng party sa bahay, tapos magka-text pa kami.

“Tapos na siya. I'm so happy.”

Dagdag niya, “I'm also so happy sa nangyayari sa aming careers ngayon. Pareho kaming busy.

“Actually, we already have plans of having a long vacation again, but we have to postpone it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN