Mikael Daez supports Hollywood dream of girlfriend Megan Young

IMAGE Megan Young Instagram

Mikael Daez on girlfriend Megan Young's plan to pursue a career in Hollywood: "I believe that people should do what they feel like doing, regardless kung ano ang naiisip ng boyfriend nila, ng nanay nila, ng sister nila. Kasi buhay nila yun, e."


Hindi na raw kailangang magpaalam kay Mikael Daez ang girlfriend niyang si Megan Young sa plano nitong i-pursue ang kanyang Hollywood dream.

Sabi ng Kapuso actor, “Walang payag-payag! Kung ano ang gusto niyang gawin!”

Biro pa ni Mikael, “Kung gusto niya Bollywood, go lang! Kahit saan, okay lang sa akin.”

Hindi rin daw siya natatakot na baka maligawan ng iba si Megan, na naging Miss World noong 2013.

“Kung i-date siya ni Brad Pitt, baka magpapiktyur pa ako dun kay Brad Pitt, e!” natawang sabi ng Kapuso hunk.

Napag-uusapan naman daw nila ni Megan ang mga plano nito abroad.

Ayon kay Mikael, “I believe that people should do what they feel like doing, regardless kung ano ang naiisip ng boyfriend nila, ng nanay nila, ng sister nila.

“Kasi buhay nila yun, e.

“And kung iisipin pa nila yung iniisip ng iba, e, di paano na, di ba? Paano mo mapu-fulfill yung buhay mo, di ba?

“Paano mo mararamdaman na, ‘A, ginawa ko lahat.’

“So, kung feeling niya kailangan niya gawin yun, gawin lang niya, gawin lang niya.”

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Hindi naman daw mamamalagi nang matagal sa Amerika si Megan.

Sabi ni Mikael, “I don’t think she’s gonna be there long. I mean, not like one-year long.

“And for me, what is long? I mean, Miss World, she’s away for a really, really long time.

“Ang dami ngang nagtanong sa akin, ‘Hala, Mik, baka ganito-ganyan?’

“But, I mean, I’ve proven already that it really… honestly, it doesn’t matter.

“Madali lang kasi magsabi na, ‘Hindi, wala iyon sa akin.’ But it really wasn’t.

“I mean, it made our relationship stronger, and now, I think it’ll get even stronger. Mai-strengthen pa lalo.”

Paano kung kailangang mag-base nang matagal sa US si Megan?

Sagot ng Legally Blind actor, “I guess, we’ll see how it goes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi right now, she can’t naman commit to a life there, like, super-long term… like, meaning, years.

“Hindi naman siya puwedeng mag-commit ng ganun kasi may commitment rin siya dito.

“So, for me, I’ll say, ‘Okay, go there, enjoy.’

“Mahirap pa yung iisipin natin na, ‘Hala, baka years ka dun or something.’

“Kasi wala pa namang nangyayari, e.

“So, sabi ko, mahirap din na isipin mo yun dahil you don’t want to raise your expectations high.

“Take it as it is, moment to moment lang.

“If there is, let’s be happy, let’s do it, I’ll visit, and enjoy.”

Isa pa, nagawa na nila noon ang long-distance relationship nang manalong Miss World si Megan.

Inilihim din nila noon sa publiko ang kanilang relasyon.

“Interesting siya!” bulalas ni Mikael.

“Para sa akin… I don’t know, for me kasi, sobrang saya siya.

“Isipin ninyo na lang, nasa LA or nasa New York si Megan, tapos ako, long weekend, Thursday, Friday, Saturday, Sunday, walang work, biyahe ako dun, okay lang sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN