Edgar Allan Guzman returns to Kapuso network

IMAGE Noel Orsal

Balik-Kapuso ang dating Mr. Pogi winner na si Edgar Allan Guzman. Isa si EA sa leading men ni Heart Evangelista sa bagong sisimulang series ng Kapuso network, ang My Korean Jagiya.


Balik-Kapuso ang dating Mr. Pogi winner na si Edgar Allan Guzman.

Isa si EA sa leading men ni Heart Evangelista sa bagong sisimulang series ng Kapuso network, ang My Korean Jagiya, na nagkaroon ng story conference noong Lunes ng gabi, June 19.

Makakasama nina Heart at EA sa teleserye ang isang Korean star.

Excited si EA sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network dahil isang regular primetime series ang ibinigay sa kanya.

Excited to work with you ?? #MyKoreanJagiya @iamhearte

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

Magandang follow-up ito for EA, na ang huling regular show ay ang top-rating afternoon drama na Doble Kara sa ABS-CBN.

Nagkaroon din siya ng special participation sa morning drama series ng Kapamilya network na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Wala naman exclusive network contract si EA, as of now, kaya libre siyang tumanggap ng show sa alinmang network.

Saad ng aktor, “Since nagtapos ang Doble Kara, nami-miss ko ang taping para sa teleserye.

“Sabi naman ni Sir Noel [Ferrer, his manager], kung saan may offer na work, okay lang naman.

“Ang importante ay husayan ko ang trabaho ko.”

Patuloy ng 4th runner-up sa Season 1 ng Your Face Sounds Familiar, “It’s been four months since natapos ang Doble Kara.

“Nakaka-miss din magkaroon ng teleserye. Aaminin ko, hinahanap ko rin ito.

“Yung Doble Kara, tumagal ng more than a year. Kaya naman excited ako sa bago kong teleserye.”

May offer daw sila from ABS-CBN na isang soap din, pero nagpasabi si EA and his manager na since naurong naman ang schedule nito, tatanggap muna sila ng offer mula sa iba.

Maaari rin daw bumalik si EA sa Kapamilya network pagkatapos ng primetime series niya sa Kapuso dahil wala naman siyang exclusive contract.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN