Carlo Aquino speaks up about being dragged into Melason marital problem

IMAGE Noel Orsal

Carlo Aquino on his phone conversation with Jason Francisco: "Nakapag-usap naman kami ni Jason. Lalaki naman si Jason, saka pag nag-usap naman ang dalawang lalaki, maiintindihan. Saka nagtatrabaho lang naman kami, naiintindihan niya yun."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang aktor na si Carlo Aquino sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayan noon ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Balitang pinagselosan umano ni Jason si Carlo dahil sa mga eksena nila ni Melai sa dating drama series ng ABS-CBN na We Will Survive

Ngayon ay maayos na ang pagsasama nina Melai at Jason, at kamakailan lang ay isinilang ng comedienne ang pangalawa nilang anak.  

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carlo sa taping ng afternoon soap na The Better Half, sa Taytay, Rizal, kahapon, June 19, sinabi nitong kinausap siya ni Jason tungkol dito.

Pahayag niya, “Nakapag-usap naman kami ni Jason.

“Lalaki naman si Jason, saka pag nag-usap naman ang dalawang lalaki, maiintindihan.

“Saka nagtatrabaho lang naman kami, naiintindihan niya yun.”

Patuloy ni Carlo, “Tumawag siya sa akin. At least, di ba, hindi yung kani-kanino lang niya sinasabi.

“Kinuwento niya kung paaano pinitch kay Melai yung story.

“Dapat naman talaga, two weeks lang ako sa show.

“Okay lang naman, maiintindihan mo yun, kasi iba yung sinabi, iba yung nangyari.

“Kasi for a long time, si Melai kasi, walang ganun, e.

“Naiintindihan ko yun. Ako rin, pag ganun, di ba?”

Ang ibig sabihin ni Carlo ay ang pagkakaroon ng love angle at sweet moments sa mga karakter na ginampanan nila ni Melai sa We Will Survive.

Hindi ba siya nainis o nasaktan na nadamay ang kanyang pangalan sa gusot sa pagsasama nina Melai at Jason?

Ayon kay Carlo, “Hindi naman, okay lang.

“Nung sinasabi nga sa akin na baka sakaling ma-cut short [yung teleserye], na hindi naman... hindi naman nangyari.

“Nagtataka ako kung bakit makaka-cut short.

“Sabi nga sa akin, may mga ganito, ganyan.

“Sabi ko, dapat yata makapag-usap kami ni Jason.

“Tapos, ayun, tumawag siya sa akin after ilang days.”

Sa kabila ng pangyayaring ito, wala namang nakikitang rason si Carlo para maging maingat kapag may ipinapareha sa kanya sa isang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.

“Oo, kapag may mangyayaring ganun, kakausapin ko.”


Stories We Are Tracking

Jason writes open letter about split with Melai
Jason writes open letter about split with Melai
Melai Cantiveros defends Jason Francisco from bashers
Melai Cantiveros defends Jason Francisco from bashers
Jason Francisco deletes IG post about breakup with MelaI
Jason Francisco deletes IG post about breakup with MelaI
Melai noncommital about whereabouts of Jason
Melai noncommital about whereabouts of Jason

LIVE-IN PARTNER. Tiniyak din ni Carlo na wala talagang dapat alalahanin ang mga nakakapareha niya dahil masaya siya sa kanyang love life ngayon.

Sa katunayan, anim na taon na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Kristine Nieto.

Si Kristine ay runner-up ni Regine Angeles sa talent search noon na Be Bench.

Inamin din ni Carlo na nagsasama na sila ni Kristine sa iisang bubong.

May balak na ba silang pakasal?

Sagot ng 31-year-old actor, “Wala pa, nag-iipon.

“Nag-aaral siya ng Culinary. Sa International School of Culinary.

“Kasal? Kapag settled na yung mga ipon, may bahay na, kapag nakapagpatayo kami ng business, na kahit wala akong trabaho, may pumapasok na pera.”

Pero tiniyak ni Carlo na si Kristine na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

“Oo naman, hindi naman ako tatagal ng anim na taon.

“Unang-una, bakit ko sasayangin ang oras niya?”

Sabi pa ni Carlo, “Ngayon, halos nagkikita kami madaling-araw, kasi uuwi ako madaling-araw, tapos paalis na siya.

“Nagbi-breakfast kami tapos matutulog ako.

“Umuwi-uwi siya sa kanina, taga-Bulacan siya.”

Dalawang mahuhusay at magagandang aktres ang kapareha ni Carlo sa The Better Half—sina Shaina Magdayao at Denise Laurel.

Hindi ba nagseselos si Kristine?

Sabi ni Carlo, “Mayroon din, kasi hindi ako nagkukuwento sa kanya, e, sa script.

“Medyo nagugulat siya nung napapanood niya kaya kinausap ko siya.

“Yun ‘yon, e, communication.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN