Charice's grandmother vows to hunt 'killers' of granddaughter

IMAGE Charice Pempengco on Facebook

Isa sa labis na naapektuhan sa mga pangyayari ngayon sa buhay at karera ni Charice, na ngayon ay kilala na sa pangalang Jake Zyrus, ay ang kanyang lola na si Thess Pineda. Nakiusap din ito sa apo na umuwi na sa piling ng inang si Raquel Pempengco. 


Nakikiusap ang lola ni Jake Zyrus—ang bagong pagkakakilanlan ng singer na si Charice Pempengco—na umuwi na ito sa piling ng inang si Raquel Pempengco.

Sa Facebook post ni Thess Pineda ngayong Martes, June 20, ibinunyag nitong noon pa ay gusto nang tanggalin ni Charice ang apelyidong Pempengco sa kanyang pangalan.

Pinangaralan din niya ang apo tungkol sa pagbago ng pagkakakilanlan nito.

Mensahe ni Lola Thess sa apo, “Umuwi ka Charice Pempengco sa mami mo, nuon paman ganyan ng gusto nyong gawin.

“Gusto mong alisin ang Pempengco ang dugo mo galing sa Pempengco at Relucio, ngayon sa pangalan na gusto mo nasa NSO ba yan.

“Pag namatay ka saan ka ililibing ng mga bobong yan na walang pahintulot ang pinagmulan mo, paghahanapin kong lahat ng naka involve dyan mga bobo...

“Nuong pinanganak ka naka-rehistro ka sa gobyerno, ngayon saan ka pina-rehistro, sa impierno ng mga satanas na nakapaligid sayo?

“Ako’y nananahimik lang Charice, tirador din ako lalo na sa mali...

"Lahat ng sinabi ko Charice, nangyayari, alam mo yan, huwag mo akong sagarin anak.”

 

Sinagot din ni Lola Thess ang ilang nagkomento sa kanyang Facebook post.

Katulad na lamang ng komento ng isang Marites, na nagustuhan daw niya ngayon ang ginawang pagpapakatotoo ni Charice bilang si Jake Zyrus. 

Pero hindi ito nagustuhan ni Lola Thess.

Buwelta ng lola ni Charice, “Bakit pinatay nyo na bang apo ko?

"Lahat ng tumawag na Jake dyan, hahanapin ko kayo at ituro nya sa akin kung saan nyo nilibing si Charice.

"Lahat kayo mananagot sa batas sa pagpatay nyo sa apo ko. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?

"Maging ikaw Charice, sumikat ka lang kung anong pinaggagawa mo.

"Sinong may sabi nyan? Si Carl Cabral, manager mo ba ngayon yan?

"Hahanapin ko kayong lahat..."


Ayon naman sa nasabing netizen, hindi na raw niya papatulan pa ang mga sinasabi sa kanya ng lola ni Charice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero balik sa kanya ni Lola Thess: “Anong kahit patulan mo ako, matauhan lang kayong lahat, pati batas ng Diyos binabago niyo, mga utak biya kayong lahat.

“Ikaw, Charice, umuwi ka sa mami mo, yong ang babaeng pinagmulan mo, hindi ang mga hinayupak na mga manunulsol sa yong mga yan. Umuwi ka sa mami mo.

"Tandaan mo lahat ng sinasabi ko Charice, nangyari. Ako lang ang magbibigay muli niyan, hindi sila.”


CHARICE HAS NO MORE MONEY? Sa Facebook, nakiusap si Lola Thess sa manunulat na ito na ituro kung saan nakatira ang kanyang apo.

Ngunit kami man ay wala ring alam kung nasaan ngayon si Charice.

Aniya, “Pakituro mo nga anak sa akin kung saan nakatira yang bata nayan."

Sabi pa niya, siya raw ang naging suwerte ng apo kaya naging matagumpay ito sa kanyang singing career noon.

Ngunit binawi rin daw niya ito.

"Ako ang nagbigay niyan Charice, alam mo 'yan, at ako rin ang magbabalik niyan.

"Kinuha ko lang dahil hindi mo nakilala ang pinagmulan mo kung saan ka galing, hindi sa mga nakikinabang na mga 'yan."

Ipinagdiinan din ng lola ni Charice na hindi tomboy ang kanyang apo, dahil labag daw sa Diyos ang kanyang ginawa.

Sabi pa niya sa apo, “Hindi ka tomboy dahil akong nagpalaki sayo.

"Tawag ni taning 'yang ginawa mong 'yan, kinalaban mong Diyos anak, duon ko hiningi ang suwerte mo, inabuso mo.

“Sinabihan kita noon na hwag dumihan ang katawan mo, kinalaban mo ako.

"Saan ako nagkulang sa inyong lahat?

"Pina-MMK (Maalaala Mo Kaya) niyo ako, kahit isa sa istorya duoon, walang totoo

"Haissssssssst, ayan ang parusa ng langit, umuwi ka sa mami mo... utos 'yan Charice.”


Ayon pa sa isang nagkomento, bigla na raw nag-iba ang ugali ni Charice mula noong kumita ito ng malaking pera.

Pero ayon kay Lola Thess, wala na raw pera ngayon ang apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “Wala ng pera 'yan, inubos ng mga umabuso sa kanya.

"Galit sila sa akin dahil ang kinita niya noon pinaglaban ko sa DOLE, pero nuong 2010 naumpisahan ng i-withdraw.

"Kinasama noon si Courtney [Blooding, former manager-lover of Charice], tapos nagbago ng manager, inubos.

"Tapos, Alyssa Quijano [long-time partner of Charice], ayan ngayon, ayan na naman nakikinig na naman sa mga gahaman tulad ng Shy Aquino nayan at Carl Cabral.

“Patunayan nilang mali ako, hindi na sisikat pang muli si Charice dahil walang utang na loob na tao 'yan ...

"Pumapayag sa sulsol ng mga hinayupak na mga gahaman nayan. Gaga siya, ginagamit lang ng mga 'yan.

"Paghahanapin kong lahat 'yan at ipapaturo ko kung saan nilibing si Charice, pinatay nila ang apo ko kaya may nakalagay na R.I.P.

"Dadalhin ko sa NBI itong kaso na ito, iapapa-wanted kong lahat ng damay dito."


Isang manunulat naman sa diyaryo ang nagtanong kung ikasisikat ba ni Jake Zyrus ang kanyang bagong pangalan.

Sagot ni Lola Thess, "Hindi na siya sisikat anak.

"Kahit anong gimik pang gawin nila. Minsan sabi ni Jobert Sucaldito, kung gusto niyang matuwa ang tao sa kanya, yong matandang kumaray-karay noon sa kanya, yun naman, siya umalalay sa matandang yun.

"Kasi nga raw walang utang na loob, binibusog, ibang tao. Ang matandang nagpala sa kanila, binayaan nila.

"Diyos ang kaaway nila."


 


Stories We Are Tracking

Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Jake Zyrus overwhelmed by positive response to new identity
Jake Zyrus overwhelmed by positive response to new identity


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN