Itinalagang bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Appeals Committee ang National Youth Commission (NYC) chairperson na si Aiza Seguerra.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Aiza noong June 14.
Si Aiza ang magiging kinatawan ng NYC sa appeals board ng ahensiya.
Siya rin ang pangatlong supporter ni Duterte noong campaign period na na-appoint sa MTRCB, kasunod nina Mocha Uson at Dennis Padilla.
