Amalia Fuentes seen for the first time after stroke

IMAGE Screen grab from 24 Oras / Noel Orsal

Former child wonder Niño Muhlach gives an update about his aunt Amalia Fuentes's condition: "Mabuti na po siya. Nakakapagdasal na po siya. Dati po kasi hindi talaga siya makapagsalita, nakakabanggit na siya ng pangalan ng mga kakilala niya. Siyempre yung kanang kamay niya, nagagalaw na niya. Malaki na po ang improvement."


Makalipas ang dalawang taon matapos siyang ma-stroke habang nagbabakasyon sa South Korea, muling nagpakita ang dating movie queen na si Amalia Fuentes.

Naganap ito sa birthday party ng kanyang nakababatang kapatid na si Alex Muhlach, kung saan dumating si Amalia na naka-wheelchair.

Kasama ng veteran actress ang kanyang apo na si Alfonso Martinez, anak ni Albert Martinez at ng yumaong anak ni Amalia na si Liezl.

Bahagyang nagkuwento si Niño Muhlach tungko sa tunay na kalagayan ng tiyahin niyang si Amalia nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naging emosyunal daw ang halos buong pamilya Muhlach nang dumating si Amalia sa 75th birthday party ng ama ni Niño na si Alex at reunion ng kanilang angkan.

Magmula kasi nang ma-stroke ay hindi nakita ang dating movie queen dahil naparalisa ang kalahating katawan nito at hindi makapagsalita.

Ginanap ang naturang selebrasyon, na inorganisa mismo ni Niño, sa Matrix Creation Events noong Biyernes ng gabi, June 16.


Stories We Are Tracking

<p>Amalia Fuentes suffers stroke while in South Korea</p>

Amalia Fuentes suffers stroke while in South Korea


EMOTIONAL. Ayon kay Niño, hirap magsalita si Amalia at iyak lang siya nang iyak nang makita ang mga kapatid niyang sina Alex at Cheng, mga pamangkin, at ilang apo.

Nilinaw ng dating child wonder na malaki na ang improvement ng kanyang Tita Nena, 76, na nagpapagaling pa rin pagkatapos nitong atakihin sa puso.

Saad niya, “Mabuti na po siya. Nakakapagdasal na po siya,

“Dati po kasi hindi talaga siya makapagsalita, nakakabanggit na siya ng pangalan ng mga kakilala niya.

“Siyempre yung kanang kamay niya, nagagalaw na niya. Malaki na po ang improvement.

“Nasasabi na po niya ang Our Father hanggang Hail Mary, Glory Be… nasasabi na niya nang dire-diretso.

“Pati po pangalan ng mga tao, nababanggit na niya.”

Sabi pa ni Niño, hindi napigilang maiyak ng Tita Nena niya dahil matagal nitong hindi nakita ang karamihan ng kanyang mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro sabay-sabay niya kaming nakitang mga kamag-anak.

“Sumalubong sa kanya ang mga pamangkin niya, mga kapatid niya.

“Hindi na niya siguro napigilan yung emotions niya.

"Nakakakilala naman po si Tita Nena, e."

Patuloy raw silang nagdarasal at umaasang babalik sa dating sigla ang Muhlach matriarch.

Dagdag ni Niño, “Continue pa rin po ang rehabilitation sa kanya. Meron pong private nurse na nakabantay sa kanya.

“Lahat naman po na kailangan na ibigay sa kanya. Nabibigay naman po.”

Nagpasalamat na rin si Niño dahil naging matagumpay ang pagtitipong iyon ng kanyang pamilya.

Saad ng dating child wonder, “Matagal po naming pinaghandaan ito dahil gusto ko po talagang mabigyan ng parangal ang tatay ko.

“Alam naman ng lahat na kung hindi sa tatay ko, hindi naalagaan nang mabuti yung kinita ko nung bata ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN