Andi Eigenmann reveals why mom Jaclyn Jose approves of her non-showbiz BF

IMAGE Noel Orsal / Instagram (@andieigengirl)

Andi Eigenmann on boyfriend Emilio Arambulo: "We are at peace, we live a peaceful and genuinely happy life. Masaya kami. I guess we are good for each other."


Inamin ni Andi Eigenmann na napag-uusapan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Emilio Arambulo ang pagpapakasal.

Pakiramdam din daw ng Kapamilya actress, si Emilio na ang kanyang pakakasalan.

Malaki kasi ang pagkakahawig ng personalidad nila kaya’t nagkakasundo sila.

“Kaming dalawa, yung the way that we think, sobrang chill lang namin na mga tao.

"And we live each moment by the day. Parang go with the flow," sabi ni Andi sa episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules, June 21.

Sa ngayon, focused daw muna sila sa pagkamit ng kani-kanilang mga pangarap.

Pero naniniwala si Andi na darating ang tamang oras para sa pagpapakasal nila ni Emilio.

“Pero alam namin siyempre, napag-uusapan namin na lahat ng mga bagay kasi, na gusto naming gawin para sa sarili namin, alam namin na marami pa kaming gustong makamit sa buhay for ourselves.

"But all of those can be achieved kahit magkasama kaming dalawa.

“And it’s even better because we have each other by our side, to support each other na maabot yung mga pangarap namin para sa sarili namin.

“Tapos, yung pangarap namin para sa aming dalawa, darating na din yun.

“Alam din namin na when the time is right, darating din siya.”  

WHY JACLYN APPROVES OF EMILIO. Sinabi rin ni Andi kung bakit aprubado ang ina niyang si Jaclyn Jose kay Emilio.

“Yung mom ko tsaka si Emilio, mas nag-uusap pa sila kesa sa akin!” natatawang kuwento ni Andi.

“My mom tells me that the reason why she likes Emilio, kasi maganda siyang impluwensiya sa akin daw.

“Kasi, for one, lagi akong nakangiti.

“Second, yung mga taong part ng buhay ko, never pa ata kaming nakitang mag-away.

“We are at peace, we live a peaceful and genuinely happy life. Masaya kami.

"I guess we are good for each other.

“Yung nanay ko, lagi niyang sinasabi, ‘Ang dali-dali ko namang i-please.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di naman mataas ang kanyang standard. ‘Ang kailangan lang, maging mabuti ka para sa anak ko.’

“So, I guess my mom just really feels na he takes care of me.

“And that’s what my mom says, ‘I love you, Emilio, because you take care of my daughter and you take care of my granddaughter.”

Si Andi ay may five-year-old daughter sa dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN