Maris Racal, Loisa Andalio, Kristel Fulgar reveal meanest tweets about them

IMAGE Jan Paul Rosales

Ibinahagi ng Four of A Kind girls ng ABS-CBN na sina (L-R) Maris Racal, Loisa Andalio, at Kristel Fulgar ang pinakamasakit na tweets o comments na natanggap nila sa social media. 


Aminado sina Loisa Andalio, Maris Racal, at Kristel Fulgar na hindi maiwasang makumpara sila sa isa’t isa, lalo pa’t bahagi sila ng ABS-CBN all-female group na Four of A Kind.

Pero hangga’t maaari ay ayaw raw nilang magpaapekto sa kung anumang pambabatikos na natatanggap ng kanilang grupo mula sa social media.

Sabi ni Maris, “Mas more on hindi namin pinapansin and hindi kami nagbabasa ng comments.

“Kasi kahit na wala kayong conflict sa isa’t isa, nakakadamay talaga yung mga comments ng fans, yung comparisons, so better yet na huwag na lang pansinin.”

Ang mahalaga ay mas kilala raw nila ang isa’t isa.

Dagdag ni Kristel, “Tsaka kapag mas nagpaapekto ka, mas lalo silang sisiksik. I mean, mas lalo silang nagiging mean.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Maris, Kristel, at Loisa sa shoot nila para sa PEPtalk kahapon, Hunyo 20.

Hindi nakadalo ang isa pa nilang kagrupo na si Sue Ramirez dahil may sakit ito.

LOISA ON RECEIVING "DEATH THREATS." Nagbahagi sina Maris, Kristel, at Loisa ng mga pinakamasakit na tweets o comments mula sa netizens.

Ayon kay Loisa, mas tumatak sa kanya ang matinding pambabatikos na natanggap niya nang sumabak siya sa showbiz pagkatapos sumali ng Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

“Sa akin, ang lala talaga! After PBB, ipapapatay daw nila ako!” ani Loisa.

Singit ni Maris, “Death threats!”

Tinanong ng PEP si Loisa kung bakit ganoon na lang ang galit ng ibang netizens sa kanya noon.

Sagot ng 18-year-old Star Magic artist, “Ewan ko, yun yung sinasabi ng mga bashers…

“Tapos yung mga picture nila, itlog lang naman—yung mga picture na hindi kilala sa Twitter.

“Mga mema.”

MEAN TWEETS ABOUT MARIS. Si Maris, na kasabayan ni Loisa sa PBB: All In, ay nakaranas din ng matinding pambabatikos mula sa netizens.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “They keep posting my father's photos, my mom's photos—parang mina-mock nila yung family ko.

“Sobrang nakaka-hurt.

“To the point na sini-search ko yung account nila, tapos tinitingnan ko profile pic nila.

“Parang, ‘Uy, perfect siya!’ Yun na lang nasasabi ko.

“As in, gusto ko sumagot, pero huwag na lang.”

KRISTEL’S KONTRABIDA DAYS. Nagkuwento rin si Kristel na kung minsan ay nadadala lang ng bugso ng damdamin ang ibang netizens, tulad daw ng mga tagasuporta ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o may uniname na KathNiel.

Kuwento ni Kristel, “Nung nagkokontrabida ako dati kay Kathryn dati sa series na Got To Believe—kasi kontrabida ako, tapos sobrang daming fans ni Kathryn.

“Pero kasi, yung character ko naman yung bina-bash nila, hindi naman ako personally.

“Tsaka alam naman nila na friends kami ni Kath sa totoong buhay.

“So, hindi ako ganun kaapektado.”

Sino naman ang kani-kanilang celebrity crush? Sino ang madaming manliligaw? Sino ang pikon? Sino ang magaling kumanta habang kumakain ng marshmallows?

Abangan ang PEPtalk ng Four of A Kind girls para sa iba pang rebelasyon nina Maris Racal, Loisa Andalio, at Kristel Fulgar. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN