Jiro Manio leaves rehab of his own volition

IMAGE Gorgy Rula

Kahit hindi pa napapanahon ang paglabas ni Jiro Manio sa rehabilitation center, nagpaalam na raw itong umuwi na sa kanyang pamilya. Nasa tamang edad na rin daw ang aktor kaya pinayagan na ito ng mga namamahala ng rehab center. 


Lumabas na sa rehabilitation center sa Bataan ang dating child star na si Jiro Manio.

Kahit hindi pa panahon ng kanyang paglabas ay wala raw nagawa ang pamunuan ng rehab center dahil nasa tamang edad na si Jiro.

Nagpaalam naman daw sa kanila nang maayos si Jiro dahil gusto na raw nitong makasama ang kanyang pamilya sa Maynila.

Ayon pa sa column ni Lolit Solis na "Take It, Take It" sa Pilipino Star Ngayon nitong Miyerkules, June 21, nangako raw si Jiro na tutulong sa advocacies ng rehabilitation center.

Nangako rin daw ang aktor na magbabagong-buhay na.

Kung anuman daw ang kahihinatnan ng kanyang buhay sa labas ng rehab, labas na raw rito si Ai-Ai delas Alas, na nagpursiging tumulong upang gumaling siya sa pagkalulong sa droga.

Base sa larawang makikita sa Facebook account na Jiro Katakura, makikitang lumusog ang pangangatawan ng aktor.


June 2015, natagpuan si Jiro na palabuy-laboy sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matapos malaman ang balitang ito, kaagad na nagboluntaryo si Ai-Ai na tulungan si Jiro—na anak-anakan niya sa pelikulang Ang Tanging Ina—sa pamamagitan ng pagpasok dito sa rehabilitation center.


Stories We Are Tracking

Jiro Manio to be released from rehab against Ai-Ai's wish
Jiro Manio to be released from rehab against Ai-Ai's wish
Jiro Manio now
Jiro Manio now "drug-free" but still under rehabilitation
Ai-Ai delas Alas visits Jiro Manio at wellness center
Ai-Ai delas Alas visits Jiro Manio at wellness center


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN