Nadia Montenegro laughs off Rommel Padilla death hoax: "Buhay na buhay siya."

IMAGE Instagram photo of Nadia Montenegro (left)

Nadia Montenegro on fake news about co-star Rommel Padilla dying in a vehicular accident: "Kung totoo to... sino tong katabi ko ngayon? Clone? Twin? Hahahaha..."


Ang ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla ang pinakabagong biktima ng pekeng balita.

Kumakalat sa social media simula kahapon, June 21, ang maling balita na diumano'y namatay sa isang vehicular accident si Rommel.

Ang fake news na ito ay galing sa website na Trending News Today at ginamit pa ang larawan ni Rommel kasama si Daniel, na kuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Idinaan naman sa biro ni Nadia Montenegro ang pagpapatunay na isang celebrity death hoax ang lumabas tungkol sa kanyang co-star sa The Better Half.

Sa kanyang Instagram account kahapon din, nag-post si Nadia ng isang selfie kung saan makikita sa likuran niya si Rommel.

Kalakip nito ang screenshot ng fake news tungkol sa aktor.

Sa caption ay pabirong sinabi ni Nadia: “Kung totoo to...sino tong katabi ko ngayon???? ? Clone? Twin? Hahahaha...”

Dagdag ng aktres, “Nasa taping po kami!! Buhay na buhay sya!”

Nais ding linawin ng PEP na wala kaming anumang kaugnayan sa source ng fake news na ito.

Ang paggamit ng larawan nina Rommel at Daniel sa maling balitang ito ay walang pahintulot mula sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN