Karla Estrada posts fangirling moment with idol Regine Velasquez

IMAGE Instagram

It took 26 years before Kapamilya TV host-actress Karla Estrada got the chance to pose for a photo with her idol, Regine Velasquez. The Asia's Songbird and her husband Ogie Alcasid hosted a get-together for his co-judges in It's Showtime's "Tawag ng Tanghalan."


Nagpaka-fan si Karla Estrada sa idolo niyang si Regine Velasquez nang magkita ang dalawa sa isang salu-salo na inihanda ng Asia's Songbird at ng mister nitong si Ogie Alcasid para sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan" (TNT).

Ang "Tawag ng Tanghalan" ang singing search na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Si Ogie ay isa sa TNT judges, kung saan kasama niya si Karla.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kapwa nila hurado na sina Jolina Magdangal, Jaya, Kyla, Jed Madela, Erik Santos, at ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

KARLA FANGIRLING. Sa Instagram, ipinost ni Karla ang larawan nila ni Regine na magkatabi.

Sa kanyang caption, hindi naitago ng Kapamilya TV host-actress ang pagiging fan ng Asia's Songbird.

Sabi ni Karla, pinakamasayang araw raw niya ang makapagpa-picture kasama ang kanyang idolo.

Twenty-six years daw ang hinintay niya bago siya nakapagpa-picture kay Regine, na nananatiling isang Kapuso.

Ginamit pa ni Karla ang hashtags na #fangirling, #proudfan, #blessedfangirl

Caption ni Karla: "Happiest day ever!!! For 26 years in the industry, nakasama ko rin sa wakas ang idol ko sa kantahan. Maraming salamat @reginevalcasid sa chance na makita at makasama ka. #fangirling#proudfan #blessedfangirl" 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

Sa comments section, nagkapalitan pa ng mensahe ang dalawa.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN