Inah de Belen reveals mom Janice likes her boyfriend Jake Vargas

IMAGE James Patrick Anarcon

Inah de Belen remains secretive about this rumored thing with Jake Vargas. But she's happy he's a around and it cheers her that her mom Janice de Belen likes Jake. Hint, hint, hint.


Ayaw mang linawin ni Inah de Belen ang totoong estado ng pagkakamabutihan nila ni Jake Vargas, masaya naman daw siyang nasa tabi lang niya ang aktor.

“Oo, sobra! Okay naman,” sambit ng Kapuso young actress.

Gaano na sila katagal?

“Secret!” at tumawa si Inah.

Patapos na ba ang Oh My Mama! nang naging sila ni Jake?

“Basta,” at muling tumawa ang Kapuso female star.

Ano ang pinakagusto niya kay Jake?

Sabi ni Inah, “Wala siyang bahid ng yabang talaga...

"Well, yung first time kasi na nakilala ko siya, akala ko masungit."

Hindi raw kasi palakausap si Jake, pero ngayong mas kilala na niya ang binata, nalaman niyang mahiyain lamang pala ang binata.

Sabi pa ni Inah, “Mararamdaman mo naman na sobrang bait niya, tapos tahimik lang siya.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Grabe! Bakit may ganyan? Walang ganyan!” natatawang sabi niya.

GIRL TALK. Sa isang hiwalay na panayam, nasabi ng ina ni Inah na si Janice de Belen na wala siyang tutol kay Jake o sa sinumang mamahalin ng anak.

Basta lang daw walang masamang epekto sa kilos at ugali ni Inah.

Reaksiyon ni Inah dito, "Sobrang nakakatuwa actually si Mama, kasi sa past experiences ko, hindi siya very vocal about yung…"

Hindi raw pakialamera si Janice, “and she only says something pag alam niyang may mali sa lalaki.

“If okay yung guy, hindi siya masyadong nagsasalita.”

Pero dahil natutuwa raw ang mama niya kay Jake, “Nagsalita siya.

“And she said something good about it… okay, at least, maganda.”

Okay ba naman kay Inah na magka-boyfriend muli ang mommy niya?

Matagal nang hiwalay si Janice sa ama ni Inah na si John Estrada, na ngayon ay kasal na sa Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Saad ni Inah, “Before, pag tinanong niyo ako, sasabihin ko huwag na.

“But now I realize na it’s not going to depend on how I feel naman, e, and my mom deserves to be happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know she’s happy with us, she has us na lang, sina Tita Gelli [de Belen] and yung mga ibang friends niya.

“But if there will be someone who will come along and if masaya naman siya, then okay.”

Pero si Janice yata mismo ang ayaw na ng relasyon?

“Happy na kasi siya sa mga Koreanovela niya!” at tumawa si Inah pagtukoy sa kinahihiligang panoorin ni Janice.

“Ang gusto ni Mama, dyowa na Koreano!” tawa na naman niya.

MOTHER AND DAUGHTER TEAM. Sa Sabado, June 24, ay mapapanood sina Inah at Janice sa episode ng Magpakailanman na "May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story."

Katambal ni Janice dito ang dati niyang boyfriend at ka-love team na si Gabby Concepcion.

Si Inah ang gaganap bilang teenager na si Janice at si Jeric Gonzales naman ang batang Gabby.

Natatawang komento ni Janice, “E, sino pa ba ang more fitting to play a younger version of me than my own daughter?”

May pointers ba siya kay Inah sa acting?

Sabi ni Janice, “Wala akong ganun sa kanya. She has to learn it on her own.

“Kasi kahit na anong turo mo diyan, baka pag ako pa yung magsabi sa kanya, mabuwisit pa siya.

“Di ba, kasi parang napaka pakialamera naman nito!” 

Pagsang-ayon ni Ihah, “Si Mama hindi ganun, kasi iyon nga, you can’t really teach acting, e.

“If you have it, you have it.”

Pressure ba iyon kay Inah na alam naman ng lahat na mahusay na aktres ang ina niya?

“Oo, sobra! Buti na lang, hindi kami mag-i-interact.

“Actually, ang daming nagsasabi sa akin, 'Alam mo, Inah, kamukhang-kamukha mo talaga yung nanay mo!'"

Ni-request ba ni Inah na si Jake na lang ang gumanap na young Gabby?

Tumawa muna ito bago sumagot, “Actually, ang alam ko, dapat siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang tisoy si Tito Gabby, so hindi talaga puwede.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN