Zsa Zsa Padilla thankful for breakup with Conrad Onglao last year

When asked about the date of her wedding with Architect Conrad Onglao, Divine Diva Zsa Zsa Padilla replied: "May mga inaayos lang." 


Nakabuti raw kina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao ang kanilang pansamantalang paghihiwalay noong 2016.

Ayon sa Divine Diva, dahil sa paghihiwalay na iyon, nalaman niya kung gaano kaimportante sa buhay niya ang arkitektong nobyo.


Stories We Are Tracking

Conrad on Zsa Zsa: The best thing that happened to me ever!
Conrad on Zsa Zsa: The best thing that happened to me ever!
Zsa Zsa Padilla happy to be reunited with Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla happy to be reunited with Conrad Onglao

Pahayag ni Zsa Zsa sa episode ng Magandang Buhay ngayong Biyernes, June 23, “Of course, everybody knows our history already.

"There was a time that we were apart.

“So, minsan nasabi ko sa sarili ko, ‘Lord, dapat ba nangyari yun na nagkahiwalay kami?’

“Pero kung hindi nangyari yun, siguro mas hindi namin maiintindihan ang isa't isa.

“So probably, we just needed the time apart.

"Somebody asked me, 'Is love lovelier the second time around?' Totoo din naman yun."

Sabi pa ni Zsa Zsa kay Conrad, “Kasi I understand now that you truly are now my partner for life.

“I wanna grow older with you and I enjoy doing all the things we enjoy doing together.”

Sa tatlong taong pagsasama, sigurado na sina Zsa Zsa at Conrad na para sila sa isa't isa.

Dagdag pa ni Zsa Zsa, “Feeling ko, talagang ibinigay ka ni God para sa akin dahil nung time na sobrang kalungkutan ko, it was really difficult.”

Nauunawaan daw ni Conrad sa tuwing makakaramdam siya ng matinding kalungkutan.

Hindi tinukoy ng 53-anyos na singer-actress ang dahilan ng kanyang “grieving,” subalit lubos na nalungkot ang singer nang pumanaw ang dating partner niyang si Dolphy noong July 2012.

Mensahe pa ni Zsa Zsa, “And alam niya ito, kasi sometimes it’s hard for him.

"Kasi we’ve been together for three years na, pero I still grieve and he tries to understand this, that deep inside, it’s still very difficult.

"But he never judges me.

“And he knows that our love is truly special also.

“And thank you very much for understanding those moments."

PARTNERS FOR LIFE. Tinanong ng Magandang Buhay hosts si Conrad kung sino si Zsa Zsa sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s my life, my life partner,” tugon ng arkitekto.

Gustung-gusto raw niya kay Zsa Zsa ang pagiging maasikaso nito kahit sa mga simpleng bagay, kagaya ng pagtitimpla ng kape o paghahanda ng kanyang mga damit na isusuot.  

“Si Zsa Zsa is very sweet, like, very thoughtful, extremely generous at heart.

"And I’m always so touched by that.

“So I just told her always be like that.”  

Partner in life din ang tingin ni Zsa Zsa sa kanyang fiancé.

“Also my life partner. Somebody I see for the rest of my life.

“Somebody to be with for the rest of my life,” sabi ng singer.

Sa tanong naman kung kailan sila ikakasal, maiksi ang naging tugon ni Zsa Zsa: “May mga inaayos lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN