Is Gabby Concepcion ready to be a father-in-law and a lolo?

IMAGE Noel Orsal

Gabby Concepcion shares he's been approached to get into politics. Is he up for it? "I am too young for that, siguro when I'm older," he says.

 


Suportado raw ni Gabby Concepcion ang love life ng panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Ang boyfriend ngayon ni KC ay ang dating Azkals player na si Aly Borromeo.

Ayon kay Gabby, “Ever since naman, I’m all support, kahit na sino pa ang kasama niya basta’t mahal siya at minamahal niya.

“Siya naman ang may relasyon, hindi naman ako.”

Handa na ba siyang maging biyenan ni Aly?

“Naku, handa ako sa kahit na anong bagay!” bulalas ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Wala pang apo si Gabby, pero handa na rin daw siya kung sakali.

“Ready... kahit na ano!”

Magpapatawag ba siya ng 'Lolo'?

“Puwedeng daddy, tapos ‘lo’ sa dulo, puwede.”

Naisingit naman naming itanong kay Gabby kung kumusta sila ng ina ni KC at ex-wife niyang si Sharon Cuneta.

Sagot ng aktor, “Naku, e, konti na lang, e, gumawa na sana kami ng pelikula.

“Pero tsaka na yun, kasi meron pa kaming pinu-promote, Magpakailanman."

RETURN OF GABBY-JANICE. Ang tinutukoy ni Gabby ay ang episode ng Magpakailanman na "May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story," na ipalalabas bukas, June 24, sa GMA Network.

Katambal niya rito ang dating girlfriend na si Janice de Belen.

Hindi naman daw nag-aalala si Gabby kung sakaling may bashers pa rin.

Saad niya, “Mature na ang audience ngayon, hindi na mangyayari iyan.

“This is for the sake of our… may followers din naman kami [Gabby-Janice] na nandidiyan lang sila sa paligid, I believe."

Patuloy ni Gabby, “Halos lahat naman ng artista ay naba-bash… maraming ano, kanya-kanyang opinyon.

“Di bale, at least this is for the benefit of, nating lahat.

“I think we owe this to our audience ano.

“Mabuti na lang pinagsama kaming dalawa, maski isang araw lang.

“Katulad si Janice, I’m sure gusto siyang makita ng ibang fans niya with another leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, si Gabby makakasama niya, kung sinuman, yung fans nito, fans nun.

“So, at least nabigyan natin yung ating followers ng chance na makita tayo ulit.

“I feel good na we’re working together.”

Nakakontrata ng dalawang taon si Gabby sa GMA at regular na napapanood sa Ika-6 Na Utos

Sambit niya, “It’s been a good ride!”

POLITICS. Tubong-San Juan City si Gabby at kilala ang angkan nila sa local politics.

Papayag ba siya kung sakaling may mag-alok sa kanya na tumakbo sa pulitika?

Sagot ng 52-year-old actor, “Ayoko, ayoko niyan. Marami nang nag-offer sa akin. Magulo, e.

“Okay na yung na-build ko yung relationships ko with my friends, ayokong magkaroon ng kaaway.

“And I am too young for that, siguro when I’m older.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN