Rich Asuncion postpones wedding plans with rugby player Benjamin Mudie

IMAGE Instagram account of Rich Asuncion / Noel Orsal

Rich Asuncion had to postpone her wedding plans with boyfriend Benjamin Mudie this year to give way to her sister who will get married in December.


Hindi na muna matutuloy ang pagpapakasal ni Rich Asuncion sa kanyang boyfriend na si Benjamin Mudie ngayong 2017.

Ayon sa Ika-6 Na Utos actress, magpapakasal kasi ang isa niyang kapatid ngayong taon kaya minabuti nilang iurong muna ang kasal nila ng rugby player.

Saad niya, "Kasi yung kapatid ko muna daw, naunahan ako, baka masukob kami.

"December daw sila, e. Kakaano lang na December talaga na-finalize."

Ano naman ang naging reaksyon ni Benjamin dito?

Sagot ni Rich, "Okay lang. Di naman kami nagmamadali.

"Ang plan lang talaga this year is civil."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Rich sa set visit ng Ika-6 Na Utos, noong Miyerkules, June 21, sa Barangay Mariana Multi-Purpose Hall, New Manila, Quezon City.

Sa naunang panayam sa kanya ng PEP, sinabi ni Rich na pinaplano nila ni Benjamin na magkaroon ng civil wedding ceremony sa Japan.

Subalit ayon sa StarStruck 4 alumna, nagbago na ang kanilang plano.

"Hindi na sa Japan kasi kailangan yata resident ka or something.

"Dapat sana Australia, sa December. E, yun nga, yung kapatid ko muna.

"Siguro mamu-move ng konti lang naman."

Bakit gusto nilang sa ibang bansa magkaroon ng civil wedding?

Paliwanag ni Rich, "Gusto ko lang din madala yung parents ko abroad."

Kung sa ibang bansa naman gaganapin ang civil wedding, sigurado raw na magkakaroon sina Rich at Benjamin ng church wedding sa Bohol.

Sa post naman ng PEP sa Instagram (@pepalerts) tungkol sa pagkaka-postpone ng wedding ni Rich, makikitang nagsagutan ang engaged couple sa comments section.

Sabi ni Benjamin: "Oh really now @richellasuncion? Lol"

Tugon naman ni Rich: "Yup! You just have to wait @benjmudie lol"


IKA-6 NA UTOS. Sa Ika-6 Na Utos, gumaganap si Rich bilang si Flor, ang best friend ni Emma na ginagampanan ni Sunshine Dizon.

Ang show na kinabibilangan niya ngayon ay sumesentro sa usaping hiwalayan ng mag-asawa at pagkakaroon ng kabit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman natanong si Rich kung hindi ba siya natatakot na maaaring mangyari ito sa kanya sa tunay na buhay.

Ayon sa 28-year-old actress, "Hindi naman.

"Parang ramdam ko naman na parang disenteng tao si Ben.

"Wala naman akong nararamdaman so far.

"Sana naman, of course, we hope for the best.

"Pero andun na tayo siyempre na relationship, effort 'yan.

"Inaano ko rin yung talagang mag-stay siya sa akin, I do my best to serve him, charing!"

Kilala naman daw ang Australians bilang loyal sa kanilang mga kinakasama.

Sabi ni Rich, "Feeling ko kasi, parang very… sa mga Pinoy lang ata yun. Joke lang!"

Noong April 2017 ay nag-propose si Benjamin kay Rich sa set ng Ika-6 Na Utos, sa tulong ni Sunshine at ng buong production staff ng show.


Stories We Are Tracking

Rich Asuncion engaged to rugby player Benjamin Mudie
Rich Asuncion engaged to rugby player Benjamin Mudie
Rich Asuncion surprised by her boyfriend's proposal
Rich Asuncion surprised by her boyfriend's proposal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN