G Tongi roasted by Duterte supporters for soliciting funds to retain TV show

IMAGE @gtongi on Instagram

Netizens loyal to President Duterte lambasted G Tongi on Twitter for soliciting funds to save her show in a local TV station in Los Angeles, California. 


“Karma.”

Ito ang sigaw ng ilang bashers ng actress-TV host na si G Tongi sa Twitter matapos nitong ianunsiyo ang nalalapit na pagtatapos ng kanyang show na Kababayan Today sa LA18, sa Los Angeles, California.

Nabili na raw kasi ang nasabing local TV station kaya lahat ng mga programa ay mawawala.

Sa June 30 na ang last episode ng show, pero gusto pa rin nilang ipagpatuloy kahit weekly ang show sa nasabing istasyon.

Ngunit nangangailangan sila ng $20,000 para makabili ng airtime para sa 52 episodes sa buong taon.


Kaugnay nito, naglunsad ang grupo ni G. ng fundraising drive sa www.gofundme.com.

Bahagi ng nakasaad sa kanilang fundraising campaign: "By raising $20,000, Kababayan Today will be able to cover the initial carriage fee for broadcast for a year to air existing content.

"More funds are needed for production costs to continue producing new and exciting segments however, the minimum to keep the program running is this initial amount of $20,000."

Sa kasalukuyan, nakalikom na sila ng $1,760.

Ngunit hindi naman ito nagustuhan ng ilang Twitter followers ni G.

Ilan sa ito ay supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte, na madalas daw batikusin ni G.

Ayon sa mga ito, bakit daw sila magdu-donate para sa kanyang show.

May iba pa ngang tinawag siya ng kung anu-anong pangalan.

May ilan pang nagsabing "gutom" daw si G kaya ito nagso-solicit ng pera.

 

Ngunit bumuwelta naman si G sa kanyang bashers.

Sabi ng actress-TV host, “It's funny how all the trolls come out saying good riddance to Kababayan Today.

"I'll tell you who's hungry. The FilAm community is hungry or content that relates to our FilAm sensibilities.

"This is a devastating blow to the community, nevermind me! We need representation!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN