Quark Henares clueless about civil wedding of mom Vicki Belo and Hayden Kho Jr.?

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Hindi nga ba alam ng direktor na si Quark Henares na ikinasal ang kanyang ina na si Dra. Vicki Belo kay Hayden Kho Jr. sa isang civil ceremony noong June 21?


Tila clueless ang direktor na si Quark Henares na nagpakasal ang ina niyang si Dra. Vicki Belo kay Hayden Kho Jr. sa isang civil ceremony noong Miyerkules, June 21.

Si Makati City Mayor Abby Binay ang nag-officiate sa kasal nina Vicki at Hayden.

Sa kanyang Facebook post nito lamang Sabado ng madaling-araw, June 24, tila naglabas ng hinaing si Quark tungkol sa pagpapakasal ng ina nang hindi niya nalalaman.

Mensahe ng film and TV director: "Dear people with children: If you ever get married again be sure to give the kids a heads up, lest they find out via reporters calling them in the middle of the night."


Si Quark at ang kanyang kapatid na si Cristalle ay mga anak ni Vicki sa una nitong asawa na si Atom Henares.

Inanunsiyo nina Vicki at Hayden ang kanilang civil wedding sa pamamagitan ng pagpu-post nila sa Instagram ng mga larawang kuha mula sa kasal.


Stories We Are Tracking

Vicki Belo and Hayden Kho Jr. are now married!
Vicki Belo and Hayden Kho Jr. are now married!

Bago ang civil wedding nina Vicki at Hayden, kinumpirma ni Vicki sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 25 na magkakaroon sila ng grand wedding ni Hayden sa Paris, France.


Stories We Are Tracking

Vicki Belo and Hayden Kho Jr. to tie the knot in Paris
Vicki Belo and Hayden Kho Jr. to tie the knot in Paris
Vicki Belo confirms upcoming wedding to Hayden Kho
Vicki Belo confirms upcoming wedding to Hayden Kho

Kahapon, June 23, nakausap ng PEP ang events director and destination wedding designer Javi Martinez, na siyang namamahala sa kasal nina Vicki at Hayden.

Sinabi nitong magaganap ang Paris wedding nina Vicki at Hayden "either last week of August or first week of September."

Isa raw sa napipisil nilang lugar na pagdarausan ng kasal ay ang InterContinental Paris Le Grand hotel.

Ayon pa kay Javi, 150 people lang ang imbitado, at walang mga pulitiko at media na imbitado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN