Jolo Revilla mum on rumored reconciliation with Jodi Sta. Maria

IMAGE Twitter (Jolo Revilla)

Cavite Vice Governor Jolo Revilla keeps mum on reconciliation rumor involving ex-GF Jodi Sta. Maria: "I don't wanna talk about it. Siguro, we just want to keep it to ourselves na lang."


Tumanggi ang Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa nabuhay na namang isyung pagbabalikan nila diumano ni Jodi Sta. Maria.

Napansin na naman sa mga ipinost ni Jolo sa kanyang Instagram at Facebook account ang magagandang mensahe niya para kay Jodi, lalo na nung kaarawan ng Kapamilya actress.

Nakapanayam ng PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo sa selebrasyon ng 5th Cityhood Anniversary ng lungsod ng Bacoor kagabi, kunsaan inilatag ng alkalde ng Bacoor Mayor Lani Mercado ang mga nakaplanong proyekto para sa naturang lungsod.

Nagbigay suporta si Jolo sa mga proyektong ito ng kanyang ina.

Nang tinanong namin ang actor/politician tungkol sa kanila ni Jodi, umiling ito.

“I don’t wanna talk about it.

“Siguro, we just want to keep it to ourselves na lang,” safe niyang sagot.

ALL-OUT SUPPORT FOR JODI. Hiningan na lang namin siya ng reaksyon sa pagbabalik ni Jodi sa pag-aaral.

Nasa third year na ang actress sa kanyang kursong Psychology sa Southville, at plano nitong ituloy ang matagal na niyang binabalak na makapagtapos ng Medisina.

Tugon ni Jolo, “Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na rin ang pangarap niya na maging isang doktor, dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology, e.

“So, I’m very happy for her.”

Minsan isang umaga ay nag-post pa si Jolo sa kanyang Instagram account na hinatid niya sa school si Jodi.

Nasa caption nito, “Hi, I’m practically speechless. Good morning! Before heading to work, I made sure to drop her to school. God is good!”

Natutuwa raw siya para kay Jodi, dahil nakikita raw niyang kahit abala ito sa trabaho, pursigido itong makapagtapos sa pag-aaral.

JODI JUGGLING SCHOOL AND SHOWBIZ. Hindi naman daw isasantabi ng aktres ang kanyang trabaho sa showbiz, dahil nama-manage naman daw niyang isabay sa kanyang showbiz schedule sa kanyang pag-aaral.

Dagdag ni Jolo, “Naka-focus naman siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang sabihing isiningit, kumbaga dun sa libre niyang oras, naipapasok niya ang pag-aaral.

“Mabuti at nabigyan naman siya ng opportunity ng school dahil may Home Study Program ang paaralang iyun.”

Natutuwa lang daw siya kay Jodi dahil nakikita niyang pursigido itong makapagtapos at sana ay makamit daw nito ang matagal na niyang pangarap na maging doktor.

“Sabi nga niya sa akin, hindi puwedeng maging sagabal yung oras.

“Kailangan huwag mawalan ng pag-asa.

“Kasi kapag mawalan ka ng pag-asa, hindi mo maabot ang pangarap mo.

“Naabot niya ang pangarap niyang pagiging artista, so sabi niya, 'Siguro naman maabot ko rin ang pangarap ko ang pagiging doktor.'

“Sabi ko, 'Maniwala ka lang, darating din ang panahong maging doktor ka rin,'” nakangiti niyang pahayag.

Nung minsang nakausap naman namin si Jodi, sinasabi naman niyang hindi pa raw niya maisip kung maipagpapatuloy niya ang Medicine.

Ang mahalaga ay maka-graduate daw muna siya sa kursong Psychology.

“Kasi kung sa Medicine, kailangang mag-focus talaga dun.

“Kailangan tigil muna ako sa showbiz,” pakli ni Jodi.

MOM ECHOES SON'S SENTIMENT. Samantala, hiningan naman namin si Mayor Lani Mercado ng reaksyon sa napapabalitang balikan nina Jolo at Jodi.

Pahayag ni Lani, “I am happy that he is happy.

“He’s inspired and mukhang may pag-ibig na naman sa kanyang puso.”

Naniniwala naman daw siya na kung magiging sila, mangyayari at mangyayari ito.

“Lagi ko naman sinasabi sa mga anak ko na, kapag kayo, kayo eh.

“Love will find a way.

“Kahit anong hadlang ng mga taong nakapaligid, ng sitwasyon, idasal niyo lang.

“Kung kayo talaga, kayo talaga,” dagdag niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN