(UPDATED) Francine Prieto says husband held at NAIA due to "disrespectful" behavior

IMAGE @norweirdgian on Instagram

Francine Prieto's husband Frank Shotkoski is presently being held at the Ninoy Aquino International Airport: "Nalaglag kasi siya sa escalator na di umaandar...Napamura siya...disrespectful daw siya at hold ng immigration."


Madaling araw ng June 25, na-hold sa immigration office ng Ninoy Aquino International Airport si Frank Shotkoski, ang American husband ng aktres na si Francine Prieto.

Ang dahilan, ayon sa mga naunang posts ni Francine, minura niya ang isang security guard nang malaglag siya sa hindi umaandar na escalator ng Centennial Terminal 2 airport.

Pero ang latest update, hindi security guard kundi isang immigration officer ang minura ni Frank.

Hindi pinayagang makita ni Francine ang asawa sa airport.

Sa Facebook post ng dating sexy actress kaninang madaling-araw, ikinuwento niya ang nangyari kay Frank na noon ay kararating lang mula sa Singapore.

"Do you know anyone na makakatulong sa husband ko? Nasa immigration office siya now sa NAIA Terminal 2 arrival from Singapore nalaglag kasi siya sa escalator na di umaandar at siya unang pasaherong lumabas.

"Napamura siya sa guard, ngayon disrespectful daw siya at hold ng immigration. At mukhang ibabalik siya ng Singapore.

"Haaaay kapwa ko Filipinos, grabe kayo. Palpak naman kasi airport natin, bakit di umaandar ang escalator at wala man lang harang?

"Naaksidente nga at duguan yung tao, nagmura tapos i-blacklist ninyo sa Pinas? More than 20 years na yan pabalik-balik dito, no criminal charges.

"Namura niya guard dahil nga di man lang naisipan harangan ni Koya ‘yung escalator, narinig ng immigration officers, ayun na-detain husband ko bilang American siya at ibabalik daw ng Singapore."

Bandang alas nuwebe ng umaga, kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Francine at helpless pa rin siya dahil hindi pa sila nagkikita ni Frank.

Naghahanap din si Francine kanina ng lawyer na makakatulong kay Frank na sinabihan ng immigration officers na bumili na ng ticket para maibalik siya sa Singapore, ang bansa na kanyang pinanggalingan bago siya dumating sa Pilipinas para bisitahin ang misis niya.

UPDATE AS OF 10:45 A.M. Narito ang latest post ni Francine tungkol sa asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dear Everyone,

"Thank you for the concern and care, salamat sa lahat lahat ng tumulong at nakipagpuyatan para matulungan kami ng asawa ko.

"Sa Tuesday [June 27] pa lang namin malalaman mula sa main immigration office anong case ni Frank and paano namin maso-solve.

"Hopefully di mabigat at malift yung paglagay sa blacklist sa kanya.

"Sa mga foreigners, bawal magmura sa airport lalo na to any employee, kahit maaksidente ka pa bawal magmura.

"Fly muna siya sa Singapore dahil kung hindi, sa Camp Karingal sa Bicutan daw siya idetain. Naaksidente ka na nga, kulong ka pa e noh? Saan ang hustisya?

"Salamat sa pagmamahal at pagsuporta."

UPDATE AS OF 5:00 P.M. Gaya ng naunang nabanggit, hindi security guard kundi isang immigration officer ang namura ng kanyang asawa matapos nitong maaksidente dahil sa sirang escalator.

Nakabalik na ng Singapore si Frank.

Ayon sa ilang abogado na napagtanungan ng PEP, malawak ang discretion ng immigration officials sa mga sinasabing "undesirable aliens."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN