Maria Gail Tobes crowned Miss Manila 2017

IMAGE Salve Asis

Maria Gail Tobes was crowned Miss Manila 2017 during the grand coronation night held last Saturday, June 24, at the PICC Plenary Hall. She also bagged the Best in Swimsuit award. Her court includes: 1st runner-up Geri Franchesca Camargo, 2nd runner-up Diana Mackey, 3rd runner-up Sofia Sibug and 4th runner-up Naelah Alshorbaji Almazik.


Ang 22-year old veterinarian na si Maria Gail Tobes ng Aces & Queens ang hinirang na Miss Manila 2017 at Best in Swimsuit sa grand coronation na ginanap kagabi, June 24, sa PICC Plenary Hall.

Ang Miss Manila 2017 ang ikalawang beauty pageant na sinalihan ni Tobes ngayong taon dahil official candidate siya ng Bb. Pilipinas 2017 noong April 30, 2017.

First runner-up si Geri Franchesca Camargo, second runner-up si Diana Mackey, 3rd runner-up ang Star Magic contract star na si Sofia Sibug at 4th runner-up si Naelah Alshorbaji Almazik.

Si Diana ay contract star ng Viva Artists Agency at official candidate siya sa Miss Earth Philippines noong 2015.

Best in Gown naman ang special award na napanalunan ni Diana sa Miss Manila 2017, samantalang Darling of the Press si Sofia na Sofia Romero ang ginagamit na screen name.

Crowd favorite si Diana Mackey na deadringer ni Sarah Lahbati, na isa sa mga hurado ng Miss Manila 2017.

Co-judges ni Sarah sina Nadine Lustre at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, ang chair ng board of judges.

Sina Yassi Pressman at Edu Manzano ang nag-host ng Miss Manila 2017.

Kabilang sa mga performers sina James Reid, Julian Trono, Ella Cruz, Kim Molina, Janine Tenoso, Katrina Velarde, Nitro at Pop Girls.

Mapapanood ngayong gabi sa Sunday’s Best ng ABS-CBN, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice, ang grand coronation ng Miss Manila 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN