Pauleen Luna clarifies name of her baby girl with Vic Sotto

IMAGE Instagram

Pauleen Luna will be having a baby girl but she admits, "Kung si Vic ang tanungin mo, gusto niya talaga, boy. Ako naman, kahit ano, basta healthy lang at safe kami ng baby ko."


Sa Facebook account ng Eat Bulaga! ini-reveal kung baby boy o baby girl ang ipinagbubuntis ni Pauleen Luna.

Masaya ang "Gender Reveal" na ginawa nila sa studio ng Eat Bulaga, kung saan may kanya-kanyang hula ang Dabarkads.

Dito rin nga sinabi na babae ang panganay na anak ni Pauleen at ng mister niyang si Vic Sotto.

Kuwento ni Pauleen, naging biruan na nila sa Eat Bulaga na kung baby boy, Lebron daw ang ipapangalan.

Kung girl naman ay Jessica, para "Ms. Jessica Sotto" daw ang tawag sa kanya.

Ito raw ang dahilan kung kaya't nagkaroon ng Team Lebron at Team Jessica sa mga humula kung ano ang gender ng baby.

Kinagat ng mag-asawang Vic at Pauleen ang lollicakes at kulay pink ang nasa loob nito, kaya tuwang-tuwa ang Team Jessica na humulang baby girl ito.

Sabi ni Pauleen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kung si Vic ang tanungin mo, gusto niya talaga, boy.

“Ako naman, kahit ano, basta healthy lang at safe kami ng baby ko.”

Nilinaw rin ni Pauleen na hindi Jessica ang ipapangalan nila sa kanilang magiging baby girl.

Pag-iisipan pa raw nila ni Vic kung ano ang ipapangalan sa kanilang anak.

Eksaktong apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Pauleen, at hindi naman daw siya ngayon nahihirapan.

Basta regular lang daw ang kanyang check-up.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN