Thea Tolentino says BF Mikoy Morales threatens to slap her bashers

IMAGE Thea Tolentino Instagram

Thea Tolentino is now doing support role for newcomers like Sanya Lopez, and it's fine with her. "Okay naman, tuluy-tuloy naman ang trabaho ko," she smiles.

 


Ayon kay Thea Tolentino, minsan nang pinatulan ng kanyang boyfriend na si Mikoy Morales ang bashers niya.

“Oo, isang beses. Parang inano niya, sabi niya, sasampalin niya daw sila.

“Yung iba, kinonek, kasi siya si Roxy, e... si Roxy sa Pepito Manaloto, patola!” natatawang sabi ni Thea, patungkol sa gay character na ginagampanan ni Mikoy sa weekly comedy series.

Pero kumusta na ang relasyon nila ngayon ni Mikoy?

“Okay naman po,” sagot ng Kapuso actress.

Nakatulong ba na finally ay in-open na nila sa publiko ang kanilang relasyon?

“Actually, hindi naman po namin itinatago,” pagkontra ni Thea.

Pero hindi rin nila dati inaamin. October 2016 lamang sila nagsimulang maging vocal tungkol sa relasyon nila.

“Alam niyo din naman!” at tumawa ang dalaga.

“Lumalabas naman po kami, wala po kami actually talaga tinatago.

“Bahala kayo kung anong makita niyo, basta… lumalabas lang kami, ganun.”

WORKING TOGETHER. Wish ba ni Thea na magkasama sila ni Mikoy sa isang teleserye na sila ang magkapareha?

Aniya, “Dati sa Maynila. Nung una weird! Parang… parehas kaming nahirapan."

Paano kung serye na matagalan?

“Ang weird! Hindi ko ma-imagine.”

Wala rin daw kaso kay Thea ang gay roles ni Mikoy, “Oo, okay lang.”

Nag-bading na si Mikoy sa Pepito Manaloto at D’ Originals, na parehong napapanood sa GMA Network.

Gay rin ang role ni Mikoy sa indie movie na 4 Days kasama si Sebastian Castro.

Samantala, si Thea naman ay gaganap na kontrabida sa Haplos, ang upcoming drama series na pagbibidahan nina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

Okey lang daw na sumusuporta lang siya ngayon sa ibang artista sa mga teleserye, lalo na sa isang maituturing na baguhang tulad ni Sanya.

“Okay naman, tuluy-tuloy naman ang trabaho ko,” at ngumiti si Thea.

“At saka ano, matagal na rin naman kaming magkakilala ni Sanya, friends kami.”

Nagkasama sila dati sa The Half Sisters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN