Assunta de Rossi caught unaware by ugly rumors about her marriage

IMAGE Noel Orsal

 

Assunta de Rossi swears she has never been bashed. Her simple explanation is also the most original yet uttered by an actress, "Wala akong bashers kasi hindi ako sikat!" No stir? "Baka puwede akong i-bash dahil walang kuwenta yung mga posts ko."


Nilinaw ni Assunta de Rossi ang usap-usapang on-the-rocks ang pagsasama nila ng mister niyang si Jules Ledesma.

“Hindi ko alam, wala naman akong puwedeng sabihin, wala,” diin ng aktres.

Hindi rin daw totoong may third party sa pagitan nila ng mister niya.

Hindi rin daw aware si Assunta na may kumakalat na ganoong balita.

“Ibig sabihin, hindi kami relevant. So, kung saan galing 'yan, I don’t know!” natawang sabi ni Assunta sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naaapektuhan ba siya kapag may ganitong intriga sa buhay nila ni Jules, na may ibang babae diumano ang asawa niya?

Tugon ni Assunta, “No. Honestly, hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yan.

“What’s painful, actually, is baka mag-isip ang ibang tao na ako pa ang nagkakalat ng mga kung anu-ano.

“Minsan yung mga tao, ‘Huh, siya din lang naman ang gumagawa niyan para pag-usapan.’

“E, kitang-kita naman sa social media posts ko. If you follow me, even if you don’t, hindi ako fame whore!

“So, habulin na lang nila yung fame whore, napakadaling gumawa ng issue if I wanted to, ambilis-bilis lang.

“I think mas mahe-hurt ako if someone thought na ako yung gumagawa ng kung anik-anik.

"Hindi naman ganung klase ng publicity ang gusto ko, if ever lang."

Patuloy niya, “Meron talagang mga artistang mahilig gumawa ng mga kung anu-ano para mapag-usapan, and I respect that.

“But huwag na nilang ano… don’t mess with people na nananahimik.”

NOT FAMOUS ENOUGH? Paano pag may basher siya, paano niya iyon iha-handle?

“Ay, wala akong bashers kasi hindi ako sikat!" bulalas ni Assunta.

“I swear, kahit i-check mo lahat ng social media ko, never!

“Kung meron man, baka hindi directly at me… Maybe in the beginning, nung mga tatatlo lang ang followers mo.

“Kumbaga, nung nakita mo yung profile… Lahat tinu-troll niya, so parang, ‘Hmmm, okay!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ikaw lang yung artistang medyo mainit sa kanya, ‘Anong gusto nito, bakit ako lang ang  pinupuntirya niya?’"

Yung iba nga na hindi kasikatan bina-bash, siya pa kaya?

“Wala talaga!" diin ni Assunta.

"Siguro, maybe it’s because wala rin naman akong pinu-post na kung anu-ano.

“Baka puwede akong i-bash dahil walang kuwenta yung mga posts ko, pero yung dahil may ginawa ako, I mean…

“Parang minsan kasi, nasa artista din, e, huwag ka kasing magpo-post.

“Maybe siguro hindi directly at me, baka may iba pang blogs na masama yung mga comments sa akin.

“Baka nga meron, hindi lang talaga dinidiretso sa akin.

"Sa social media accounts ko, wala rin naman kasing ka-bash-bash din.

“If ever I post something na nakaka-attract ng atensiyon, mas mabuti man o masama, maybe hindi ko rin naman sila masisisi.

“Kailangan mo rin ma-realize na, ikaw naman kasi ang naunang… kung anuman yun, it attracted attention.”

Kahit daw may mang-bash sa kanya, hindi papatol si Assunta. “No, deadma.”

Sa bagong afternoon drama series ng GMA Network na Impostora, aapihin ni Assunta si Kris Bernal, kaya posibleng i-bash siya ng fans nito.

Sabi ni Assunta tungkol dito, “I hope yung character lang at huwag naman  nilang… yung pagkatao ko mismo, because parang… naman!

"I hope ganun ang magiging ending."

Handa naman daw siya kung ma-bash siya dahil sa karakter niya sa kanilang teleserye.

“Deadma!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN