Marian Rivera on close friend Maine Mendoza: "Nakikita ko talaga yung sarili ko, yung attitude ko sa kanya."

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on Maine Mendoza: "Gusto ko yung sense of humor niya. Nakakatawa siya. Nakita ko nga minsan ang sarili ko sa kanya. Pag nag-uusap kami, yung mga terms namin pag magsalita. Saka totoong tao din kasi."


Napansin ng netizens nang minsang um-order si Maine Mendoza ng flower arrangement sa Flora Vida, na pagmamay-ari ni Marian Rivera.

Bukod sa parehong pagiging Kapuso stars, sina Marian at Maine ay magkapatid sa talent management na Triple A ni Mr. Tony Tuviera.

Ayon kay Marian, matagal na silang nag-uusap ni Maine at maituturing niyang isa ito sa close friends niya.

“Nakakatawa kasi... alam mo, once lang ako nag-post about Meng [palayaw ni Maine], kasi nakakatawa siyang kausap.

“At hindi naman alam ng mga tao na madalas kaming mag-usap na dalawa.

“Once lang ako nag-post sa buong buhay ko nang magkakilala kaming dalawa.

“Natuwa lang ako sa mga conversation namin. Marami kaming mga secret-secret.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa opening ng bagong shop ng make-up artist niyang si Bambbi Fuentes, sa Ayala Malls Serin, sa Tagaytay, kahapon, June 26.

Sabi pa ni Marian, hindi lang alam ng karamihan, pero kaagad silang nagkapalagayan ng loob ni Maine sa ilang beses nilang pag-uusap sa telepono.

Hindi pa lang sila nagkaroon ng pagkakataong mag-bonding sa labas, pero isa si Maine sa maituturing niyang iilang close friends niya sa showbiz.

Saad ng Sunday Pinasaya star, “Sabi nga nila, okay na yung kokonti pero totoo, kesa naman ang dami-dami, hindi mo naman alam kung sino talaga yung nandiyan para sa ‘yo.

“Hindi porke’t pareho kami ng manager, parang nagkapalagayan kami ng loob.

“Kasi nakikita ko talaga yung sarili ko, yung attitude ko sa kanya, e.”  

SEEING HERSELF. Ang pinakagusto raw ni Marian kay Maine ay ang sense of humor nito.

“Iba din yung sense of humor ng batang yun.

“Gusto ko yung sense of humor niya. Nakakatawa siya.

“Nakita ko nga minsan ang sarili ko sa kanya.

“Pag nag-uusap kami, yung mga terms namin pag magsalita.

“Saka totoong tao din kasi,” pahayag ng Kapuso actress-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapayuhan din daw niya minsan si Maine dahil tingin ni Marian, kagaya rin niya itong nami-misunderstood minsan.

“Parang ako din,” sambit ni Marian.

“Sabi ko nga sa kanya, ganun talaga yung showbiz, e.

“Minsan talaga… pag artista ka talaga, yun yung price na kailangan nating bayaran—ang maging public property ka.

“Lahat ng kilos mo, ang galaw mo, at siyempre lahat nung tao, mapi-please mo.

“Importante, yung nag-e-enjoy ka, totoo ka sa sarili mo, at sobrang dami namang nagmamahal sa ‘yo."

Dagdag pa niya, “Matatag din yung bagets, e. Matapang siya.”

MARIAN’S BUSINESS. Masaya ring ikinuwento ni Marian na maganda ang takbo ng negosyo niyang Flora Vida, kaya madalas na namimigay na siya ng bulaklak sa close friends niya.

Aniya, “Sobrang kinikilig ako, kasi yun ay libangan lang naman.

“Ginawa ko lang yun out of passion.

“Dati, hindi pa ako namimigay, ngayon namimigay na ako, kasi kitang-kita na yung shop ko.

“Sabi ko nga kay Meng, ‘Order ka pa, bigyan na lang kita.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN