Former PBB Teen housemate Niña Jose now married to a billionaire politician from Pangasinan

IMAGE Bagong Bayambang on Facebook

Tila masaya na sa kanyang buhay sa likod ng kamera ang dating Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 housemate na si Niña Jose. Napangasawa niya ang mayor ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar T. Quiambao, na isa rin daw bilyonaryong negosyante. 


Isa nang misis ang dating Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 housemate at FHM cover girl na si Niña Jose.

Ikinasal si Niña noong Enero 2017 sa mayor ng Bayambang, Pangasinan, na si Cezar T. Quiambao.

Ayon sa posts sa social media, masaya na raw ang buhay ngayon ni Niña bilang ‘mayora’ ng Bayambang.

Bukod sa pagiging First Lady, siya rin ang chairperson ng Local Council of Women (LCW) sa kanilang bayan, kung saan iba’t ibang proyekto ang pinamamahalaan niya.

Halos doble ang pagitan ng edad ni Niña, 28, at ni Mayor Quiambao.

Ngunit sabi ng alkalde sa isa nitong Facebook post: “We love each other so much that no one can break us apart.”

Si Mayor Quiambao ay bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation, isang information technology company.

Tumakbong independent nitong 2016 elections si Quiambao at tinalo nito ang asawa ng incumbent mayor.

Huling napanood sa telebisyon si Niña via Kidlat ng TV5 noong 2013.

Ilan sa mga ka-batch niya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 ay sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Matt Evans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN