Yeng Constantino is now ready to become a mother

IMAGE Noel Orsal

Yeng Constantino became very excited about having a baby after seeing her husband's baby pic. "Parang, 'Shucks, ang cute-cute mo, gusto kong magkaroon ng ganyan.' Lagi kong sinasabi, halos every day kapag mag-uusap kami ni Yan, na gusto ko ng ganyan."


Handa na raw magka-baby ang singer na si Yeng Constantino dalawang taon matapos silang ikasal ng mister niyang si Yan Asuncion.

“Kaya kami nagbabakasyon kasi gusto naming... Di, joke lang!” biro ni Yeng nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kamakailan.

Ngunit gaya ng dati, hindi naman daw pinipilit ng mag-asawa na magkaroon agad ng anak.

Sabi ng ASAP mainstay, “Kung dumating. Pero hindi siya yung something na pina-project namin.

“Kung dumating, dumating, ganun siya.

“Kasi yung iba, parang because they're so busy, talagang pina-project nila.

"Sa amin, bakasyon, pero enjoy lang, fun lang."

Kailan lang daw ay nakumbinsi na siyang magkaroon ng anak dahil nakita niya ang lumang larawan ng kanyang asawa.

Kuwento ng “Ikaw” singer, “Ang cute kasi ng picture ni Yan noong baby siya.

“Nakita ko yung picture noong baby siya before kami pumunta ng Palawan.

“Parang, 'Shucks, ang cute-cute mo, gusto kong magkaroon ng ganyan.'

“Lagi kong sinasabi, halos every day kapag mag-uusap kami ni Yan, na gusto ko ng ganyan.

“Yun ang trigger sa akin na maging open doon sa [pagkakaroon ng baby].”

Kung sakali, sabi ni Yeng, sa susunod na taon ay seseryosohin na nila ng kanyang mister ang pagkakaroon ng anak.

“Kung hindi talaga ako mabuntis this year, next year na talaga namin siya pa-project-in, magko-concentrate tayo.

“Plano na namin yun next year kapag nag-honeymoon kami sa Europe.”

Sa ngayon, mas focused muna si Yeng sa kanyang mga gagawing proyekto.

Ilan sa mga ito ang pagre-record niya ng kantang “Tagumpay Nating Lahat,” na gagamitin para sa mga atletang kalahok sa Southeast Asian Games; ang collaboration song niya kasama si David Moffat; at ang pagiging guest niya sa concert ni Brian McKnight sa September 15.

Ire-release din ni Yeng ang kanyang ika-anim na studio album ngayong 2017.

Sabi pa niya, “Next year, isa pa lang ang alam kong solid na project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If ever na maging preggy ako next year, I think, at least puwede ko pang gawan ng paraan na kung kailangan talaga, because of my health na magpahinga ako, e, madali namang kausap ang Cornerstone.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN